💒74

69 3 34
                                    

NATAN'S POV

"Anak!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman si Appa na palapit sa'kin. Kinawayan ko sya.

He pat my head.

Alam kong gumagawa na sila ngayon ng paraan para mabawi kami ni Eomma kay Dada, kahit hindi pa nila aminin.

Hindi ko alam kung good news ba 'yon o hindi. Ayoko din naman kasing masaktan si Dada.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah" -Minhyun

Pero matagal din naman yung hinintay ni Appa Hwang para makasama kami. Tapos sya din yung legal husband ni Eomma.

Ewan ko na!

"Hindi naman gaano Appa. Medyo pagod lang po siguro sa klase" tinanggap ko ang inaabot nyang lollipop at kinain yon. Lasang gatas.

"Madami ba kayong ginawa ngayon?" tanong nya habang sinasabayan ako papunta sa gate ng Unibersidad.

"Opo. Exams na po kasi next week kaya pasahan na din ng projects" sagot ko at tumango sya.

Hanggang ngayon ay di ko pa rin maiwasang hindi titigan si Appa Hwang. Kamukhang-kamukha ko kasi talaga sya. Parang nakikita ko na agad yung future ko.

Dean Prince Natan Lee. Pwede na din!

Kaso Hwang pala dapat ako no?

Ang gulo!

"Susunduin ka ba ng Dada mo? Pwede kitang ihatid" alok nya.

"NATNAT!" pasagot pa lang ako pero may tumawag sa pangalan ko. Si Eomma!

Excited naman syang tumakbo sa amin ni Appa Hwang. Pipigilan dapat sya ng guard pero sinenyasan 'yon ni Appa Hwang na hayaan si Eomma.

As usual, todo yakap na naman sakin si Eomma. Kasama nya pala si kuya Cello.

"Oh? Hi Minhyun" awkward na bati ni Eomma tsaka ako binitawan.

Ngumiti naman si Appa Hwang, "Hi Arby" bati din nya at parang nagha-heart shape pa yung mata. In love pa rin talaga sya sa Eomma ko.

"Yiiiiiee~ buo na ang imperial family~" -Cello

Napatingin kami kay kuya Cello na nagkukunwari naman na hindi sya nagsalita.

"Ah...hahaha. Ihahatid ko sana pauwi si Natan, di ko alam na susunduin mo pala sya" -Minhyun

"Ah...ganun ba? Bakit?" -Adrianne

Mukhang hindi inexpect 'yon ni Appa Hwang dahil hindi sya nakasagot agad.

"Ano...kasi...kasi natutuwa ako kay Natan. Oo yun nga" -Minhyun

Tumango si Eomma. "Sige una na kami ni Natnat ah? Baka gutom na din kasi 'tong batang fox ko eh"

"Hatid na daw po kayo ni Appa Hwang!" sabat ni kuya Cello "...diba Appa Hwang?"

He eyed on him. "Hahaha mapagbiro talaga 'tong batang 'to"

"Ayaw mo bang ihatid yung mag-inMMMMSHMSHSM" tinakpan ni Appa yung bibig ni kuya Cello. Ang kulit kasi!

Actually matino pa nga si kuya Cello eh, simula nung na-meet ko si tito Jaehwan.

"Eomma, magco-commute lang ba tayo?" tanong ko. Umoo naman si Eomma.

"Edi magpahatid na lang tayo kay Appa Hwang!" suggest ko at nabitawan naman ni Appa si kuya Cello.

Medyo namumula si Appa.

"Natnat, nakakahiya. May pamasahe naman tayo eh. Tsaka mukhang busy din si Min--"

"Oo nga Arby" putol ni Appa kay Eomma "...ihahatid ko na lang kayo"

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now