💒88

50 3 10
                                    

IRON'S POV

"Omo! Mukhang mission accomplished na nga talaga tayo!" -Edi

"Kaya nga anak eh. Ano nga ba yung mission natin?" biglang sabat naman ni tito Daniel na nasa likuran pala namin.

"Ah Appa, wala yun! Di ka makaka-relate kasi usapang-second gen yun" -Edi

"May usapang-second gen pala? Ngayon ko lang narinig yun ah?" -Daniel

Si tito Danik talaga hindi pa din nagbabago. Bungisngis pa din.

Pero madalas solo-baliw. Tumatawa kahit wala namang nakakatawa.

"Hubby! Asan na naman yung gummies dito?" -Erica

"Ha? Nasa damitan ko ata" -Daniel

"DAMITAN MO?? Bat mo naman nilagay dun? Paano kung langgamin---AISH! PATI JELLIES??" napalingon kami kay tita Erica na may hawak na isang supot ng gummies at jellies galing sa kwarto nila.

"Ahehehe sorry na Wifey. Nakalimutan long ibalik sa ref eh" -Daniel

"Ano pa nga ba Kang Daniel? May maaasahan pa ba ako sayo?" -Erica

Nagpatuloy lang sa paglilinis ng bahay nila si tita Erica. Si tito Danik naman, as usual, nakayakap kay tita Erica para mangulit na naman.

Napadaan naman si Baram dito sa tapat ng bahay ng mga Kang. Napatingin din sya kay ate Edi since nandito kami sa labas, pero umiwas din agad.

Anong meron? Hindi kaya may gusto na ulit si Baram kay ate Edi? Pero akala ko ba si Sky na yung gusto nya, although hindi nya pa naman inaamin.

Pumasok kami ni ate Edi sa loob ng bahay nila. Mukhang nagsawa na syang tanawin sina tito Minhyun.

"Eomma, Appa, may tanong ako" -Edi

"Kahit anong tanong, basta wag Math please" -Daniel

"Hindi naman po. Well, what if...what if lang ah? What if magka-apo na kayo agad? Okay lang ba yun sa inyo?" -Edi

Nagkatinginan naman sina tita Erica at tito Daniel, tsaka sabay na tumingin sa amin ni ate Edi.

"Bakit Edi? Buntis ka ba?" -Erica

"Hindi Eomma!" -Edi

"Iron? Nabuntis mo yung anak ko?" -Daniel

"Appa, hindi. Hindi ako buntis, okay?" -Edi

"Sure ka ate Edi?" tanong ko sa kanya.

She glared at me. "Baliw ka ba? Paano naman mangyayari 'yon? Ano ako? Virgin Mary?"

Oo nga naman. Paano mangyayari 'yon eh hindi pa nga kami? Hindi pa nga ako nanliligaw eh.

"So...wala pang ganap sa inyo?" -Erica

"Wala Eomma. Tsaka hindi kami, diba Iron?" -Edi

"HINDI PA KAYO? Iron, anak ka nga talaga ni Woojin! Pareho kayong mabagal" -Daniel

"Oo nga! Lagi kayong magkasama tapos hindi pa pala kayo?" -Erica

So boto sakin sina tita Erica at tito Daniel?

"Yung tanong ko ang sagutin nyo Eomma at Appa! Okay lang ba sa inyo?" -Edi

"Oo naman! Okay sa amin basta si Iron yung tatay" -Erica

"Tita naman..." -me

"Bakit? Ayaw mo ba sa Erindelle namin? Maganda naman sya ah? Running for Suma cum Laude pa" -Daniel

Ayun na nga eh. Achiever si ate Edi, tapos ako ganito lang?

"Appa tama na please" -Edi

"Tama na daw pero balak na kami bigyan ng apo agad. Ikaw Erindelle ah~" -Daniel

Unibersidad de Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon