💒3

75 5 26
                                    

HYRO'S POV

Ang ganda talaga nya!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang ganda talaga nya!

Tumayo bigla si Drei sa upuan nya at sinundan ko yung tinitignan nya. Mukhang tatakbo na sya palabas ng milk tea shop kaya binackhug ko agad sya.

"BITAWAN MO NGA AKONG MANYAK KA--Hyro?" nabitawan nya yung braso kong pinilipit nya. Nagulat ko ata sya masyado.

"Ano bang naisipan mo at bigla kang nangyayakap?" sigaw nya sakin.

"Hehehe" ang tanging naisagot ko. Sanay na rin naman akong nasisigawan nya.

Tumingin sya sa paligid at mukhang may hinahanap.

"Aish! Nakakainis ka talaga! Wala na tuloy si Navy!" maktol nya.

Ang cute nya talaga pag nagt-tantrums~

"Hayaan mo na sya. Kasama mo naman ngayon yung heartthrob sa batch natin eh" nginitian ko sya at isang nakakahilong irap lang ang natanggap ko.

Kahit ang sungit nito, kinikilig pa rin ako.

"Bat ka ba kasi nandito? Ini-stalk mo na naman ako no?" inis nyang tanong.

"Nakita kasi kitang lumabas ng bahay nyo. 11 pm na tas lalabas ka mag-isa? Syempre di naman ako papayag ng ganun" -me

"Edi ini-stalk mo nga ako! Dami pang sinabi" kinuha nya yung drink nya at hinabol ko naman sya palabas ng milk tea shop.

"Drei!"

"Ano na naman?" -Jekyll

Hinawakan ko yung kamay nya at tinignan naman nya ako ng masama.

"Bibitawan mo ko o ibabalibag kita?" -Jekyll

Binitawan ko yung kamay nya.

"Grabe ka. Ako yung nagturo sayo ng self-defense, tapos sakin mo din pala gagamitin? Wag ganun Drei" pangngonsensya ko.

"Yun na nga eh. I can defend myself. Baka pwede namang wag ka nang sunod ng sunod sakin?" -Jekyll

"Nag-aalala lang naman ako. Syempre ayoko namang magkagalos ang future wife ko" -me

"Hyro naman! I'm not your future wife and I will never be your wife or even your girlfriend kaya tantanan mo na ako!" naglakad sya palayo sakin pagkasabi nya nun at pinanood ko lang sya.

Hindi nya lang alam, pero bata pa lang ako eh pinaalam ko na sya kay tito Daehwi na wag papaligawan sa iba.

Syempre pumayag si tito Daehwi! Kami kaya ang second generation ng JinHwi.

Sinundan ko sya nang medyo nakalayo na sya.

Okay na siguro muna to, yung nababantayan ko sya kahit ganito ka-layo.

"Hyro?"

Nakita ko naman si Aries na nakaupo sa tapat ng pintuan nila. Di ko namalayang nakarating na pala ako sa village.

Unibersidad de Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon