💒15

84 3 7
                                    

SKY'S POV

"Luna" napahinto naman ako at napatingin sa gilid ng pinto ng classroom namin.

"Bat ka andito? May klase ka diba?" -me

"Bat ganyan ka makipag-usap sakin? Mas matanda pa rin ako sayo" sabi nya at inirapan ko lang sya.

"Matanda ka lang sa age, hindi sa ugali" -me

"Oo na!" may inabot naman sya sakin. Waaaah banana milk!!!

"Ano to?" -me

"Peace offering. Favorite mo yan diba?" nilagay nya yun sa kamay ko. "Bahala ka kung iinumin mo yan o itatapon mo"

Naglakad na sya palayo sakin pagkasabi nya nun.

"KUYA BARAM!"

Lumingon naman sya. Gwapo sana to kung di lang laging naka-busangot eh!

"Salamat" pumasok na ako sa classroom at bumalik sa upuan ko. Syempre excited na ako sa banana milk ko!

"Uuuuy~ bati na kayo?" -Iya

"Siguro. Binigyan na nya ako ng banana milk eh" -me

"So pag galit ka pala, banana milk lang yung katapat mo?" -Natan

"Depende sa kasalanan. Mas malaki yung kasalanan, syempre mas malaki dapat ang peace offering" -me

"House and lot? Ganon?" -Natan

"Pwede din" I chuckled.

Bigla namang pumasok si ate Haegeum ng classroom namin at hinawakan sa braso si Natan.

"Bes ano ba? Wag mo naman hatakin yung bata" -Lewin

"Pero kailangan sya makita ni Appa Hwang!" -Haegeum

Pinalo ko yung kamay ni ate Haegeum kaya napabitaw sya kay Natan.

"Harassment yang ginagawa mo ate" -me

"Wala naman akong ginagawang damo ah?" -Haegeum

"Bes, HARASS hindi GRASS" -Lewin

"Ah kahit na! Basta kailangan makita ni Appa Hwang tong anak nya!" -Haegeum

"Ate Haegeum, hindi nga daw nya tatay si tito Minhyun diba? Si Natan na mismo nagsabi na iba yung tatay nya" -me

"Oy Lewin singilin mo si Sky ng 100! Tito Minhyun daw oh?" -Haegeum

"100 ka din! Tito Minhyun pala ah?" -Lewin

"HA! HULI KAYONG TATLO! Akin na tig-100 nyo" -Cello

"Bat pati ikaw nandito?" -Iya

"In-assign ako ni Appa Hwang na taga-singil ng 100 sa mga hindi tatawag sa kanya ng Appa Hwang" -Cello

"Talaga ba kuya?" -Haegeum

"Oo nga! Tanungin mo pa sya" -Cello

Nagbigay naman kaming tatlo sa kanya ng tig-100. 100 lang naman yun, di nakakabawas ng buhay.

"Ayan! Mukhang pwede nang fund-raising activity to ah? Alis na ako--teka, bat biglang bumata si Appa Hwang?" -Cello

"Hindi po ako si Appa Hwang. Natan po yung pangalan ko" -Natan

"Sure ka? Baka naman jino-joke mo lang kami?" -Cello

"Kuya Cello, kuya Lewin at ate Haegeum, please lang lumabas na kayo dito sa classroom kung ayaw nyong ipa-ban ko kayo dito!" -Iya

"Ito na nga eh! Gagalit naman agad" -Haegeum

"BYE GUYS! APPA HWANG AH? AP-PA-HWANG. Uy Hi! Kahawig mo si tito Samuel" tumakbo naman na silang tatlo palabas ng classroom namin.

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now