💒67

69 2 14
                                    

NAVY'S POV

Nagmadali akong pumunta sa tapat ng pintuan nina Aries pagkakita ko sa kanya.

Nakiupo ako sa tabi nya. "Eto na yung bubble tea mo tsaka burger" inabot ko yun sa kanya at tinanggap naman nya.

"Thanks Rum"

Parang automatic naman akong napangiti sa narinig ko. Ang weird ng feeling ko, parang nagwawala yung mga nasa loob ng tyan ko?

Hindi naman ako gutom.

"Mapunit yung bibig mo" sita nya sakin.

"Ikaw kasi eh...wag ka namang nambibigla..." medyo nahihiya kong sabi.

She gave me a 'wtf?' look.. AAAAAAAH EOMMA PAYAG KA NAMAN PAG SI ARIES YUNG MAPANGASAWA KO DIBA? KAHIT DI SYA MARUNONG MAGLUTO? DIBAAAAA?

"...ano...first time mo kasi akong binigyan ng nickname eh..." -me

"Aaaaah. Sorry, di ko naman alam na ayaw mo pal--"

"GUSTO KO" putol ko agad sa sasabihin ko at mukhang nagulat naman sya. "...gusto ko talaga...promise"

I saw her sigh in relief. "Akala ko ayaw mo eh" tinusok nya ang straw sa bubble tea nya saka sumipsip don.

In-offer nya sakin yung iniinom nya pero tumanggi ako. Sya lang naman mahilig sa ganyan eh.

"Bat pala naisipan mo yun bigla?" tanong ko.

"Wala lang. Para maiba lang" tumingala sya at sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya. "...noon kasi, gustong-gusto kong tawaging Hyde si Hyro. O kaya Jeth or Jethro. Pero alam ko namang hindi sya papayag eh, kasi hindi ako si Jekyll"

Hanggang ngayon pala talaga si Hyro pa rin.

Nakakainis! Ang sarap iumpog nung buto't-balat na yon sa tyan ko para mabagok!

"...kaya ayon, naisip kong sayo na lang. Okay lang naman diba?" tumingin sya sakin kaya napatingin na din ako sa kanya.

Aray ah? Napakagwapo ko namang rebound!

"Oo naman" sagot ko.

Syempre okay lang sakin yon! Si Aries kaya to.

"Rum? Or Hairum?" -Aries

"Rum na lang. Ayokong pinapahirapan ka eh" nag-wink ako sa kanya.

Tumawa naman sya, showing her gummy smile. Sana ol healthy ang gums.

"Para kang timang" naiiling nyang sabi at kinuha ang burger na binigay ko.

She unwrapped it. "...alam kong di mo tatanggihan to"

✂️✂️✂️

GRANITE'S POV

"Kuya Cello diba dapat tumutulong ka sa thesis nyo ni ate Edi?" napakamot na lang ako sa ulo dahil kay kuya Cello.

Dumaan pa kasi ako sa bookstore tapos sinamahan nya pa ako kaya ginabi kami, kahit na dapat si ate Edi yung sinasamahan nya.

Feeling ko tuloy pag bumagsak sila this sem, ako yung may kasalanan!

"Okay lang yan! Tsaka andun naman kuya mo eh. For sure di nya papabayaan yung bestfriend ko" ginalaw-galaw nya pa yung kilay nya.

Ayan na naman sya sa reason nyang yan!

"Kuya Cello, ikaw yung ka-partner ni ate Edi, hindi si kuya!" I rolled my eyes in frustration.

"Pero Granite, ikaw naman yung magiging lifetime-partner ko in the future, diba?" -Cello

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now