PROLOGUE

218 6 40
                                    

SKY'S POV

"Bes, pinapatawag daw ako ni Dean sa office nya. Mauna ka na sa room, susunod ako promise" paalam sakin ni Iya.

I sighed. Ang hirap pala magkaron ng bestfriend na president at representative sa batch nyo

"Sige na. Puntahan mo na yung eomma mo bago pa yun mag-alburoto" paalam ko sa kanya at natawa naman sya tsaka tumakbo papunta sa Dean's office.

Yup, si tita Danica ang Dean nitong university na pinatayo ng mga tatay namin para samin, at sa ibang estudyante na din.

Naglakad na ako papunta sa classroom namin. As usual, they all turn their heads to me.

Pumasok ako mg classroom at mga insecure kong classmate ang bumungad sakin.

First day of school pa lang pero mukhang sira na ang buong schoolyear ko!

"Hi Sabrina" bati sakin ni Mina na ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo sakin. Siguro kasi mas maganda ako sa kanya kahit mas matangkad sya.

"What now? Stop acting nice, it doesn't suit you" tinaasan ko sya ng kilay at hinintay ang sasabihin nya.

Di naman nya ako ia-approach ng wala lang diba?

"Wala naman. Gusto lang kita i-greet. It's been a while" hirit nya at napairap naman ako sa narinig ko.

"Sinabihan na kita noon diba? Ang plastic, binibenta sa junk shop. Hindi inuugali" nilagpasan ko sya at naghanap na lang ng magandang pwesto. Sa harapan na lang siguro since favorite seat naman yun ni Iya.

"Asan nga pala yung BESTFRIEND mo? Ay, oo nga pala. Representative sya ng batch natin. Pero bakit kaya ganun? Pareho lang naman kayong successor nitong university, pero bakit sya lang lagi ang may position? Ay oo nga pala! Dean pala kasi yung eomma nya. Tsk" sarcastic nyang sabi.

"Tapos ka na? Nakakaawa ka naman. Sorry to disappoint you pero di ako pumapatol sa utak talangka" -me

Daming tanong eh! Kala mo naman ikakaganda nya yan.

"Ah utak talangka pala ah" bigla nyang hinablot ang buhok ko.

Bwiset talaga tong babaeng to! Sya unang mang-aasar tas sya din unang mapipikon?

Pasalamat talaga to at di ko sya pwedeng saktan! Kung pwede lang, nadagdag ko na to sa mga napadala ko sa clinic!

Bigla namang lumuwag yung hawak nya sa buhok ko me.

"Aray! Ang lawak ng daan tas mambabangga ka pa?" sigaw ni Mina sa lalaking dumaan sa gilid namin.

Nabangga ata sya nito kaya nabitawan nya yung buhok ko.

"Sorry, di ko napansing may nakaharang pala na pader"

"Anong sinabi mo? Hoy! Hindi ako pader!" -Mina

Tumingin naman yung lalaking yon sa dibdib ni Mina kaya napatakip si Mina don.

"Anong tinitignan mo ha?" -Mina

"Yung pader"

Natawa naman yung classmates namin dahil sa sinabi nya. Pulang-pula naman na sa kahihiyan si Mina at napatakbo na lang sya palabas ng classroom. Buti nga sa kanya!

"Are you okay Miss?"

Tinignan ko yung lalaking yon. He has a handsome face, medyo cold at chic yung dating.

"Yeah, I'm fine. Thanks by the way. You saved her life" inayos ko ang buhok ko sa kanina nitong ayos.

Natawa naman sya. "Her life?"

Tumango ako. "Kung di mo sya binangga, baka nasapak ko na sya at nasa clinic na ngayon"

Aba! Wala akong pake kung ma-kickout na talaga ako this time. Noone can hurt Ha Sungwoon's only daughter!

"It was unintentional though. But at least, nakaligtas pala ako ng buhay" he chuckled.

"Anyway, I'm Sabrina Kyrie Luna Ha. Pero pwede ding Sabrina, Kyrie or Sky na lang. Basta wag lang LUNA" diin ko. Ang cringe kasi pakinggan!

"I'm Natan" pakilala nya at tinitigan ko sya ng maigi.

Teka...parang...

"Bakit?" tanong nya.

"Parang kamukha mo yung tito ko"

✂️✂️✂️

IYA'S POV

"Here are the profiles of the transferees in your class. Ikaw nang bahala mag-abot sa adviser mo dahil as usual, late na naman sya" -eomma

"Yes dean" kinuha ko yung folder.

Akala mo talaga di kami mag-ina no?

"You may now go. Mag-aral mabuti ah?" -eomma

Tumango ako at binuksan ang pinto ng office nya.

"Athaliah!" tawag nya sakin kaya nilingo ko sya. Umiling naman sya, at lumabas na ako ng office nya.

Ang lakas ng sapak ng nanay ko!

Binuklat ko yung folder at sinilip ang pangalan ng transferees. Ang yaman siguro ng mga to at na-afford nilang mag-enroll dito?

"Isa lang? Maka-transferees naman si eomma, eh iisa lang naman pala" bulong ko at binasa ang pangalan ng transferee na yon.

Prince Nataniel Lee.

Magaganda yung records nya at galing sya sa LA. Bat pa sya nagpunta dito?

"IYA!"

Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Sky na may kasamang lalaki at isang malaking himala yon.

Yes, HIMALA. Bukod kay kuya Baram, wala nang ibang nakakalapit dyan sa babaeng yan nang hindi nasasapak.

"Bat lumabas ka pa ng classroom? Mags-start na yung klase natin" tanong ko nang makalapit sya.

"Naghanap lang ng sariwang hangin" sagot nya.

Parang may mali.

"May nangyari na naman ba?" -me

"May biglang humatak sa buhok nya na pader" sabat nung lalaking kasama ni Sky.

"Pader?" -me

"Yup. Ano ngang name nun? Ah! Mina"

SI MINA NA NAMAN?

"ANO NA NAMANG GINAWA SAYO NG BABAENG YON?" hinawakan ko yung braso ni Sky.

"Okay lang ako bes, wag ka nang eksaherada dyan" -Sky

Nakakainis! Kung bakit ba kasi hindi namin mapa-alis dito yung epal na yun eh!

"Anyway, Iya this is Natan. Transferee sya sa klase natin" pakilala ni Sky sa kasama nya at tinignan ko naman yung itsura non.

Para syang...

"Para syang younger version ni tito Nyeon no?" -Sky

Tumango ako at halos di ko maalis ang tingin kay Natan.

Buhay pa naman si tito Minhyun, pero nag-reincarnate na sya agad?

"Nice meeting you Athaliah"

Parang nagising naman ako bigla nang marinig ko ang boses nya. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya.

"Iya na lang. Anyway, tara na sa classroom? Magsisimula na yung klase natin" yaya ko at nagmadali na kaming pumasok sa classroom namin.

🎬🎬🎬

🐧: Are you excited guys? Prologue pa lang yan! 😂😂😂 Chapter 1 naaaa~

Vote and comment 💕

Unibersidad de Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon