💒84

57 3 17
                                    

IYA'S POV

"Hi Iya!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Kuya Navy"

"Gusto mo?" alok nya sa akin ng hawak nyang potato chips. Wala ata talagang oras na hindi sya kumakain.

"Busog pa ako kuya eh. Himala ata at hindi mo kasama si ate Aries?" -me

"Wala sya sa bahay nila eh. Umalis daw kasama si Jekyll. Ewan ko ba sa ate Aries mo! Ilang araw na din akong hindi pinapansin" naglabas sya ng chocolate bar galing sa bulsa nya at kinain yon, tapos yung potato chips naman.

Kaya siguro sya hindi pinapansin ni ate Aries, baka nagsawa na panoorin syang kumain ng kumain.

"Wala ba kayong date ni ano...yung anak ni tito Samuel" -Navy

"Si Darius? Hindi naman kami nagde-date no'n kuya!" -me

"Bakit hindi? Kasi si Natan yung crush mo 'no? Ayiiieee~" -Navy

Sinenyasan ko naman sya na tumigil. Kung ano-anong sinasabi eh! Baka mamaya may makarinig sa kanya.

"Bakit? Hindi ba?" -Navy

"Kuya wag kang issue!" -me

"Weh? Sugudin ka man ng mga baboy-damo? Wala ka talagang crush kay Natan?" -Navy

"Kuya, si Sky ang may crush kay Natan, hindi ako" -me

"Si Sky? Asus! Kay kuya Baram na 'yon!" -Navy

Ayaw naman nya kay kuya Baram.

"Bat na naman naririnig ko yung pangalan ko dyan? Pinagchichismisan nyo 'ko 'no?" -Baram

"Oo kuya Baram! Crush ka daw ni Iya" -Navy

"KUYA NAVY! ANG IMBENTO MO!" -me

"Sus! 'Yan pang si Iya? Eh kilala ko kung sinong crush nyan" -Baram

"Sino kuya? Si Natan ba?" -Navy

Pinagkakaisahan pa nila ako ah? Mukha ba akong may gusto dun? Tsk!

"WALA. AKONG. CRUSH. OKAY?" diin ko.

Nagtinginan naman sina kuya Baram at kuya Navy, sabay tingin sa akin ng nakakaasar na tingin. "Ayiiiiieeee~ Nataaaan~"

ARGH! DAPAT TALAGA HINDI PINAGSASAMA ANG ANAK NG 2JI EH!

"Po? Bakit po?"

SHETE BAT ANDITO SI NATAN??

"Bakit nyo po ako tinatawag?" tanong nya pagkalapit sa amin. Kasi naman! Ang iingay eh!

"Wala. Nagagandahan lang kami sa pangalan mo. Diba Iya?" -Baram

Di pa rin talaga titigil oh?

"Ah. Hehehe maganda din po yung mga pangalan nyo" -Natan

Nagtawanan naman yung anak ng 2Ji.

"Iwan muna namin kayo dyan ni Iya ah?" -Navy

Nag-apir pa sila ni kuya Baram bago kami iwan ni Natan. Nakakabaliw yung dalawang 'yon!

"Ang weird nila ngayon" -Natan

"LAGI, Natan. LAGI silang weird" -me

"Ano ba talagang pinag-uusapan nila? Sure akong nagsisinungaling sila eh" -Natan

Nakuha nga pala nya yung psychic skills ni Appa Hwang. "Wala 'yon. Wag mo na lang intindihin" I tried to smile at saka umupo sa slide since nandito kami ngayon sa park nitong village. Hapon na din kaya hindi na gaano maaraw.

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now