💒68

94 2 46
                                    

NICOLE'S POV

"Ikaw na kasi mag-approach" -Steph

"Bat ako? Bat hindi na lang si Ayi?" -Sarah

"Teka ako talaga? Susme si Joyce na lang!" -Ayi

"Oo nga Joyce! Ikaw na lang" -Chelsy

"Bakit ako? Bat hindi na lang kayo?" -Joyce

"Dali na Joyce! Para sa ikakaunlad ng buhay natin to!" -Erica

"Para walang gulo, nagp-presinta na si Ashlot" -Mriel

"Why me? Ikaw yung bestfriend diba? Ikaw na kasi!" -Ashley

"Pero mas matagal ka naman nyang naging kapitbahay!" -Mriel

"Kahit na!" -Ashley

"AKO NA NGA! Mga slapsoil talaga kayo!" inis na naglakad si Danica palapit kay Adrianne daw na kanina pa namin sinusundan dito sa mall.

"Dapat kasi si Nicole na lang eh! Natawag pa tuloy tayong slapsoil" -Steph

"Ano yung slapsoil?" -Joyce

"Ikaw" -Ayi

"Maganda?" -Joyce

Napa-facepalm na lang kaming lahat. Ilang taon ko na ding nilalabanan na wag mahawa ng kabaliwan nila, awa ng Diyos at malakas ang resistensya ko. *sigh*

Pangalawang beses ko pa lang na makita itong asawa daw ni Nyeon, kaya hindi naman ata tama na ako pa ang lalapit sa kanya?

Sinenyasan kami ni Danica na lumapit.

And guess what? Nagsitakbuhan yung mga babaita na parang may dumating na artista!

"Adrianne~" niyakap agad sya ni Mriel, with obvious tears on her eyes. Nagsisunod na din yung iba pa at nag-grouphug sila.

Di na ako nakisali. Ayoko maki-FC.

"Namiss ka namin!" -Ashley

"Akala namin iniwan mo na talaga kami eh!" -Ayi

"Eonnie~" sabay-sabay na iyak naman nung iba.

Halata ngang miss na miss nila sya.

Paano pa kaya si Nyeon?

For sure kung pwede lang yakapin to nung una silang magkita ulit, ginawa talaga nya.

She's a lucky girl.

At siguro dapat maging thankful din ako sa pagkawala nya.

Kung hindi sya nawala that time, baka wala akong masakit sa ulong bansot slash lampang asawa at anak na manang-mana sakin maliban sa mukha.

Her disappearance is a blessing in disguise for me.

"Uhm...Hello" bati nya nang finally ay pakawalan sya nung mga babaita. She looks confused.

Her eyes suddenly went watery kaya napapunas sya dito. "...Teka naiiyak ako! Aigoo ano bang nakakaiyak?" iyak-tawa nyang tanong.

"...I'm sorry ah? Pero kilala ko ba kayo? I mean, hindi nyo naman ako ig-grouphug ng trip-trip lang diba?" -Adrianne

"Di mo na nga talaga kami naaalala" -Mriel

"Eh kung iumpog kaya natin sya sa pader?" -Ashley

"Iumpog kay Mriel?" -Danica

"Pukingmother kayo AKO NA NAMAN NAKITA NYO AH!" triggered na sabi ni Mriel kaya natawa naman sila.

Like husbands, like wives.

"Since mukhang di mo na talaga kami naaalala, magpapakilala kami sayo" -Erica

Nagpakilala naman sila isa-isa. Focus na focus naman si Adrianne sa pakikinig at mukhang minememorya lahat.

Unibersidad de Wanna OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora