💒19

86 5 18
                                    

GRANITE'S POV

"Zyrill hindi mo naman ako kailangan ihatid, pero salamat" kinuha ko sa kanya yung bag ko na bitbit nya.

Buti na lang maaga kami pinauwi ngayon. Wala daw yung prof namin ng last subject.

"Okay lang. Tsaka curious din ako kung san ka nakatira" -Zyrill

"Bakit? Balak mo mag-akyat bahay samin no?" -me

"HAHA! Huli ka! May hidden agenda ka pala kay Granite ah!"

Napatingin naman kami pareho sa likod namin.

"Kuya Cello? Anong ginagawa mo dito?" -me

"Dito ako nakatira diba? Alangan naman sinundan kita" -Cello

Ang weird talaga nya.

"Eh yan? Bat yan andito? Ay oo nga pala! Balak mo nga palang mag-akyat bahay kina Granite! Susumbong kita kay tito Woojin" -Cello

Hinawakan ko naman sya sa braso nya.

"Kuya, joke lang yon. Hindi sya maga-akyat bahay samin" -me

"Ah...eh bakit sya nandito?" -Cello

"Hinatid nya lang ako" -me

"Bakit? Maliligaw ka ba pauwi? Di mo pa rin kabisado yung daan? Dapat sinabi mo sakin para sinasabayan na kita pauwi!" -Cello

Jusme nakakahiya na si kuya Cello!

"Kuya hindi sa ganun. Ano..." -me

"Curious lang kasi ako kung saan nakatira si Granite" -Zyrill

"Bat ka curious? May balak kang masama no?" -Cello

"Uhm..kuya Cello pasok na tayo. Kailangan na din ni Zyrill umuwi eh" -me

"T-Tayo??" -Cello

"Oo. Ikaw tapos ako" -me

"I-Ikaw tapos a-ako?" -Cello

Ano bang trip ni kuya Cello ngayon? Teka, namumula ba sya?

"Sige Granite. Sunduin na lang kita bukas" -Zyrill

"Sig--"

"HINDI PWEDE!" -Cello

Napatingin naman ako sa kanya. Ano ba talagang problema nya?

"Ano kasi...m-magpapasama sana ako kay Granite bukas, kung okay lang" -Cello

"Ah ganun ba? Sige magkita na lang tayo sa Unibersidad" -Zyrill

"Oo tama! Dun na lang kayo magkita" -Cello

Sobrang suspicious na talaga ni kuya Cello!

"Sige na Zyrill. Ingat ka pauwi ah?" -me

"Oo naman. Sasagutin mo pa ako eh. Bye" tumakbo naman na sya palayo sa amin. Ang cute nya tumakbo kasi ang haba ng legs nya!

"Sasagutin mo yun? Tinatanong ka ba nya?" -Cello

"Ewan ko sayo kuya Cello" naglakad na ako papasok ng village at sumunod naman si kuya Cello.

"Anong tinatanong sayo nun na sasagutin mo? Assignment nyo ba? Anong subject?" -Cello

Huminto naman ako.

"Kuya Cello hindi ganun yon, eo? Nanliligaw sya sakin. Okay na?" -me

"Ligaw? Agad-agad? Halos two weeks pa lang kayong magkakilala ah?" -Cello

"Kuya Cello, ganun kasi talaga yon. Nagpaalam na sya sakin kahapon na liligawan nya ako" -me

"At pumayag ka naman? Bat ka pumayag agad? Di mo naman kilala yun eh! Paano kung kidnapper pala yun tas bigla ka na lang isakay sa puting van?" -Cello

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now