💒24

68 4 10
                                    

IYA'S POV

"Hi Nat! Buti naman pumasok ka na" bati ni Sky kay Natan na kaakbay si Darius.

Napansin ko naman yung iba naming classmate na nagbubulungan habang nakatingin sa dalawa.

"Kayong dalawa, mag-jowa ba kayo?" tanong ko. Nilakasan ko yung boses ko para matigil yung bulungan nila.

"Hindi ah! Bestfriends kami nito" -Natan

"And soulmates" -Darius

"Oo nga pala! Pinapabigay pala nina Eomma at Dada" may nilapag naman na chocolate si Natan sa harap namin ni Sky.

"Halaaa! Pasabi kay Eomma at Dada mo salamat" -Sky

Nagt-twinkle pa talaga yung mata oh? Tsk tsk. May tama nga to kay Natan.

"H-Ha? O-sige sasabihin ko" -Natan

"How about me? Wala bang pinapabigay sina tito at tita?" -Darius

"Wala. Panget ka daw eh" -Natan

"Unfair!" -Darius

Parang ganyan talaga sina tito Daniel at Appa eh. Kahit madalas inaasar ni Appa si tito Daniel.

"Nat may assignment pala tayo. May gawa ka na?" -Sky

"Weh? Hala anong assignment?" -Natan

"Math lang naman. Tara dali! Turuan kita" -Sky

Lumapit naman si Natan kay Sky at nag-turuan sila ng assignment. Tutor naman po pala.

"Ang galing mo naman!" -Natan

"Malamang. Top 1 yan sa batch natin eh" -me

"Weh? Hala bat di ko alam yan? Ikaw Sky ah!" -Natan

"Alangan namang ipamalita ko pa? Tsk" -Sky

At ayun, tinuloy nila yung tutoring session nila. Tamang tutor lang kay crush yung bestfriend kong amazona.

Sana ol may crush.

Tao ba talaga ako? Bat hindi ako nagkaka-crush?

"They look good together" -Darius

"Talaga? Parang mas bagay naman kayo ni Natan" -me

Tumawa naman sya. "We're soulmates"

And soulmates always didn't end up together. Parang si Appa at tito Niel, pati si tito Jinyoung at tito Daehwi.

"Gets mo na?" -Sky

"Slight" -Natan

Luh? Kilig na kilig yung bespren ko oh?

Sumbong ko kaya to kay kuya Baram?

"Anyway Iya, malapit na yung birthday ko" -Darius

Tumingin naman ako sa kanya. "Kelan?"

"Next week" -Darius

"Omo! May party ba?" -me

Umiling sya. "It-treat ko na lang kayo para less hassle"

Less hassle talaga yun.

"Magp-prepare na ako ng gift sayo" -me

"Okay na ako sa presence ninyong tatlo" -Darius

"Eyyy! Pa-cheesy naman po" biro ko at natawa naman kami pareho.

"Uuuuuy~ mukhang nage-enjoy kayong dalawa ah?" -Sky

Ito na naman yung pang-asar na Langit!

"Pinag-uusapan lang namin yung birthday nya, okay?" -me

"Oo nga pala! Malapit na yung birthday ni Darius" -Natan

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now