💒65

99 3 12
                                    

DASHIELL'S POV

"Okay ka lang?" tanong ko dito kay Lewin na kanina pa wala sa sarili. Tumango naman sya.

"...Anong problema?" tanong ko ulit pero tumango lang ulit sya at nakatulala pa rin.

"...Parang bagay sayo yung fuchsia pink na buhok no? Gusto mo i-try?" tanong ko ulit at as expected, tumango na naman sya.

Wala nga sa sarili to!

"ARAY! Huta bat ka naman nananampal?" inis nyang tanong sakin habang tinitignan ako ng masama.

Edi nahimasmasan din sya? Tsk!

"Wala ka kasi sa sarili! Pumayag ka ba naman na kulayan nating ng fuchsia pink yung buhok mo? Tss" -me

"BAKIT MO KUKULAYAN NG FUCHSIA PINK YUNG BUHOK KO? HA?" -Lewin

"O sige, carnation pink na lang!" I wiggle my eyebrows pero tinampal nya lang yung noo ko. "...ARAY!"

"Tigilan mo ko sa kabaklaan mo, okay?" inis nyang sabi.

"So anong nangyari? Nag-away kayo ni Haegeum? Natauhan ka na ba finally at gusto mo na makipag-break sa kanya?" -me

"Gago hindi!" -Lewin

"Oh eh bakit ka nga wala sa sarili?" -me

He sighed. "Kanina kasi...si Haegeum...ARGH!"

Parang siraulo talaga oh?

"Oo Lewin. Maiintindihan ko yang 'ARGH' mo" sarcastic kong sabi at napahilamos naman sya sa mukha nya.

"Si Haegeum kasi... nakatulog kanina sa library..." -Lewin

"Oh? Ano namang problema dun? Halos lahat naman tayo natutulog sa library eh" -me

Sino ba namang di aantukin don eh air-conditioned na nga tapos puro libro pa makikita mo?

"Ayun nga...tas...ewan ko basta... napatitig na lang ako sa kanya kasi, alam mo yun? Ang ganda nya pala lalo pag tulog?" -Lewin

Wala na. Malakas na talaga tama nito kay Haegeum.

"Tapos ayun..." lumapit sya sakin tsaka may binulong sa tenga ko.

"GAGO! Seryoso??" tanong ko at tumango naman sya. "...Dahil lang dun? Sus! As if namang di mo pa yon nagagawa sa iba? Tss feeling first timer"

"Huta syempre iba naman si Haegeum! Tsaka...first time lang naman ako nag-attempt nun...tapos nahuli pa ako" sinipa nya yung lata ng softdrinks na nasa harapan nya kaya tumalsik yon.

RIP sa lata ng softdrinks.

"So you mean...di pa kayo nagk-kiss?? Like HAHAHAHAHAHA" I suddenly burst in laughter nang tignan nya ako ng masama. "...Ikaw ba talaga yan Lewin? Nasaan na napunta yung pakboi kong kakambal?"

"Kingina mo" inirapan nya ako. "...Iba naman kasi si Haegeum sa mga yon"

"Yiiiiiiiiieeee~ loverboy naman pala~" sinundot ko yung tagiliran nya kaya pinalo nya yung kamay ko.

Bigla namang nagbago yung expression ng mukha nya nang kumaway sa direksyon namin si Haegeum. Parang gulat sya na nininerbyos.

"S-Sige Shiell, a-alis na m-muna ako" biglang tumayo si Lewin sa tabi ko at saka tumakbo kung saan man.

Akalain mong kaya pala matakot nung gagong yon?

Binalik ko yung tingin ko kay Haegeum pero bigla syang nawala.

Joke lang pala yung nawala.

I saw her running. Hahabulin siguro yung pakboi nyang jowa.

"KUYA!"

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now