💒8

69 3 29
                                    

NATAN'S POV

"Hello? Dada?"

Malakas na hinga naman ang narinig ko sa kabilang linya. Masama pa rin siguro yung loob sakin ni Dada.

"Kamusta ka dyan?"

"Okay naman po Dada. Di po ako pinapabayaan nina tito"

"Alam ko naman yun. I mean, kamusta ka sa bago mong school?"

"Okay na okay po Dada! May mga kaibigan naman na po ako kahit paano"

"Buti naman"

An awkward silence. Di ko kasi alam kung paano ko ia-approach si Dada ngayon.

"Dada"

"Hm?"

"Sorry for disobeying you"

I heard a loud sigh.

"Okay lang. Kailangan ko na ata talagang tanggapin na nagbibinata ka na"

Napangiti naman ako dun. Mukhang di talaga ako matitiis ni Dada.

"Kumain ka ng maigi dyan ah? Wag kang magpapalipas ng gutom. Pag may gusto kang kainin, magsabi ka lang sa mga tito mo. Pag may kailangan ka sa school or gustong bilhin na bagong gamit or damit, sabihin mo lang din sa kanila. Nasa kanila na din yung pambaon mo. Malaki yung pinadala ko sa kanila kaya wag kang mahihiyang magsabi sa mga yan! Alagaan mo yung sarili mo dyan at wag kakalimutan magsimba, eo?"

Ayan na naman yung litanya ni Dada.

"Opo Dada. Miss ko na kayo ni Eomma"

I heard him sniffing.

"Miss ka na din namin. Wag ka mag-alala, susubukan ka naming dalawin dyan soon. Magpakabait ka sa mga tito mo ah?"

"Opo Dada. I love you po. Pasabi din po kay eomma love ko sya"

"Okay. I love you din nak. Aral mabuti"

In-end naman na nya yung tawag. Namimiss ko na sila ni eomma.

"Anak! Dada mo ba yun?" -Chakyeon

"Opo tito. Gulat nga po ako biglang tumawag eh" -me

"Di ka talaga matitiis ng Dada mo" -Chakyeon

"Tito, sa Saturday na daw po pala yung acquaintance party namin" -me

"Kailangan mo ng bagong damit? Sasamahan kita mamili" -Chakyeon

"Acquaintance party? Ako ang makakatulong sayo dyan! Hindi yung matandang Chakyeon na to" -Ravi

"Tito Ravi!" niyakap ko naman sya at nakipag-fistbump pa.

"So ano? Ako sasama sayo mamili" -Ravi

"Nataniel"

Tinignan ko naman yung pinakabata sa kanila at nilapitan sya. "Tito Hyuk"

Nag-sigh naman sya at niyakap ako.

"Kamukhang-kamukha mo yung tatay mo" -Hyuk

"Pero tito, si Eomma po ang kamukha ko" -me

Bumitaw naman sya sakin. "Hindi mo pa pala alam"

"Ang alin po?" -me

Teka, bat umiiyak si tito Hyuk?

"Wala. May pupuntahan kang party? Ako nang sasama sayo mamili ng susuotin mo" -Hyuk

"Oy! Nauna ako kaya ako ang sasama sa kanya" -Ravi

"Manahimik ka dyan Larva! Ako ang pinaka-malapit ang edad sa kanya kaya ako ang makakatulong sa kanya, intiendes?" -Hyuk

Hinawakan naman na ako ni tito Hyuk sa balikat ko at naglakad na kami palabas ng pinto.

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now