💒96

50 1 4
                                    

ALI'S POV

"Ori--oops. sorry" napasara agad ako sa pinto ng kwarto ni Orion tsaka ako nagmadaling bumaba.

Totoo ba yung nakita ko? Natutulog talaga sya katabi si Irish? At nakayakap pa ah?

Mukhang magkaka-lovelife na din ang partner-in-crime kooo~

"Anyare sayo ate Ali? Akala ko ba gigisingin mo si kuya?" paakyat na dapat si Aries ng hagdan nila pero pinigilan ko sya.

"Tulog pa yung kuya mo eh. Wag mo na lang istorbohin" -me

"Pero diba gagala kayo nina kuya Lyndon?" -Aries

"Oo nga. Pero pwede namang kami na lang ni Lyndon, para ma-solo ko na din yung Beanie ko" explain ko kahit hindi naman talaga yun ang dahilan.

Ang sweet kaya tignan nina Irish at Orion ngayon! Dapat pala lagi na lang tulog si Orion, kawawa kasi lagi sa kanya si Irish eh.

"Ate, si Navy pala" mukhang nagdadalawang-isip si Aries na magsabi sa akin.

"Bakit? Anong meron kay Navy?" tanong ko.

Hinila naman ako ni Aries papunta sa may sala nila at umupo sa couch nila. Wala sina tita Joyce at tito Kuanlin, may pinuntahan daw.

"Ate kasi...naiilang na ako sa kanya" nakagat nya ang ibabang labi nya pagkasabi nun.

"Bakit ka naman naiilang? Dahil ba sa pangungulit nya sa'yo?" -me

"Hindi ate...kasi diba halos sabay na kaming lumaki. Kahit naman sinusungitan ko yun, I still see him as my bestfriend" -Aries

Kawawa naman yung kapatid ko. Pang-bestfriend lang.

"...But then ate, bigla na lang, biglang parang iba na. Do you know that feeling? Yung parang naka-slow motion lahat pag lumalakad sya palapit sa akin, tapos may fireworks, tapos may ng maliliit na ilaw na hugis heart? Basta, sobrang weird!" -Aries

Natawa naman ako sa description nya habang sya eh halatang confused na confused sa nangyayari sa kanya.

"Aries, alam mo ba kung bakit si kuya Lyndon mo ang pinili ko?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ate? Dahil ba nagliliwanag ang gums ni kuya Orion? O dahil baka namana nya yung epilepsy dance ni Appa? Or baka naman na-nosebleed ka na sa English nya?"  tuloy-tuloy nyang tanong pabalik sa akin.

Inilingan ko lahat ng tanong nya. "None of the above Aries"

"So...bakit ate?" -Aries

"Kasi yung dinescribe mo kanina, yung slow motion, yung fireworks at mga ilaw na hugis heart, lahat 'yon, kay Lyndon ko na-experience" inayos ko ang bangs ni Aries gamit ang daliri ko "...Kaya kahit ayaw sa kanya ni Appa at Navy, sya pa din ang pipiliin ko. Kasi kahit si Eomma, yun din yung na-experience nya kay Appa, kaya nya nalaman na sya na"

Tumango si Aries. "Ibig sabihin, tinamaan na talaga ako sa biik mong kapatid" she sighed habang nakasimangot.

"...Ate Ali, wala bang remedy dito? Baka naman pwede pang mawala 'to"

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Aries, ganun mo ba ka-ayaw kay Navy?"

Kung ako din naman ayaw ko kay Navy eh. Ang lakas na kumain, tapos napaka-angas pa. Isip-bata pa!

"Hindi sa ayaw...but we're still young. Madami pang pwede magbago, just like what happened to you and kuya Orion" paliwanag ni Aries.

Gets ko naman yung point nya. Nakakatakot nga naman yun.

"Pero magkakaiba naman tayo ng love story eh. Siguro medyo tragic yung sa amin ng kuya Orion mo, pero pwedeng iba yung sa inyo ni Navy. Malay mo, kayo pala talaga at hindi kami ni Orion ang PanWink 2.0"

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now