💒66

64 3 29
                                    

BOM'S POV

"Mukhang enjoy na enjoy ka sa kadiring mukha ng Appa mo ah" tita Seulgi take a sip on her juice habang ini-scan ko naman ng paningin ko ang lumang photo albums ni Appa na naiwan dito sa Gangwon.

Dapat talaga sa Gyeonggi ako pupunta, since may bahay din kami doon, kaso ewan ko ba! Basta naisipan ko na lang na pumunta dito.

"Tita, diba first love nina Eomma at Appa yung isa't-isa?" tanong ko at umoo naman si tita Seulgi.

Lagi kasing naku-kwento samin yon noon ni Appa. Asar na asar nga lagi si Baram pag yon yung ginagawang bedtime story samin ni Appa eh!

"I think 5 si eomma mo nun tapos 13 si oppa? Di ko na gaano matandaan basta ang alam ko minalditahan ako ng eomma mo kahit mas matanda ako sa kanya!" inis nyang kwento.

"...but actually, nakakainggit si oppa. At least sya, kahit may topak sa utak yung eomma mo, nagka-asawa pa din sya" -Seulgi

Oo nga pala. Old-maiden na nga pala si tita.

"Malay mo tita? Pwede ka pa makahabol! Ang ganda mo kaya" -me

"Asus binola mo pa ako!" -Seulgi

"Hala tita! Paano mo nalaman?" -me

Unti-unti namang nawala yung ngiti nya. "Namana mo yung kabastusan ng bunganga ng eomma mo no?"

"Hehe joke lang tita! Maganda ka talaga. Maganda kaya ang genes natin!" bawi ko.

Baka bigla akong palayasin eh!

"Well tama ka naman don" she said while smiling widely.

"...Osya! Dito ka na muna at iidlip muna ako. Siesta time na eh" paalam nya at bumeso sakin bago umakyat sa kwarto nya.

Mabait naman si tita Seulgi, sadyang di lang sila match ni eomma ng ugali.

Actually sila din naman ni Appa. I remember how Appa used to pull her hair whenever she bad-mouths eomma tapos magsisimula na silang mag-sagutan na parang mga bata.

Pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa dating pictures ni Appa. Nakakatawa yung hairstyle nya noon.

Buti na lang hindi na ganito yung hairstyle nya nung nagkakilala sila ulit ni eomma!

They're really one of the lucky couples.

Akala ko magiging kagaya nila kami ni Daen.

Pero ganun ata talaga. Hindi lahat ng first eh yun na din yung last.

"Aish Bom naman!" I wiped off my tears.

Nakakainis! Bat ba kasi ang iyakin ko?

Pero kamusta na kaya sya?

Siguro andun lang yon maghapon sa kwarto nya at nilalaro si Smokey, habang nagpapapak ng gummies.

"Bakit ko ba sya iniisip? ERASE ERASE!" patayo na sana ako nang biglang nag-ring ang phone ko.

Unknown number?

Hindi ko na lang pinansin dahil baka spam lang yon. Kaso tumawag ulit.

I grab my phone and accept the call. "Hello?" alangan kong sabi.

Wala naman akong sagot na naririnig. Parang puro hikbi lang? O baka nagha-hallucinate lang ako.

"Hello?" I asked again pero binaba na nya yung tawag.

Sino yun? Kakaiba na talaga trip ng mga tao ngayon no? Hay nako...

Nag-ring naman ulit yung phone ko kaya dinampot ko yun agad at sinagot.

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now