💒95

51 1 6
                                    

EDI'S POV

"Ate! Ready na kami" bungad ng dalawa sa akin pagkatapos ko mag-ayos. Isang bag lang ang dala ko, in case na maki-overnight kami doon.

Pero itong dalawang ugok, parang gusto ko na ibato sa kanila ang mga hawak nilang maleta.

"Overnight lang tayo sa Gangwon! Bakit dinala nyo na lahat ng gamit nyo?" inis kong tanong sa kanila. Nakakainit ng ulo eh!

"Sabi mo mag-impake diba?" -Iron

Aba't talagang sumasagot pa!

"Yung totoo, nasaan kayong dalawa nung nagpaulan ng utak?" -me

"Umulan ba dito ng utak? Bat di ko alam yun?" -Daen

"Hindi ko nga din alam eh. Kelan umulan ng utak dito ate Edi?" -Iron

Oo Edi. Anak sila ng Busan boys kaya normal lang 'yan.

Ang dami naman nilang pwede manahin kina tito Woojin at Appa eh!

Sabay naman silang tumawa at nag-apir pa. Nang-aasar ba talaga sila?

"Joke lang ate! Masyado ka namang grumpy ngayon" binuksan nila ang dala nilang maleta at kinuha ang mga backpack sa loob nun.

Mga siraulo talaga.

"Ate Edi ako na magdadala ng bag mo" -Iron

"Kaya ko na" sagot ko at nauna nang lumabas ng bahay. Nag-date sina Eomma at Appa kaya hindi na kami magpapaalam.

Kotse ko ang ginamit namin. Ako sa driver's seat at yung dalawa sa backseat.

"Kuya Iron, diba dapat sa tabi ka ni ate?" -Daen

"Yoko Daen. Beastmode si ate Edi ngayon eh" -Iron

"Natatakot ka ba masakmal?" -Daen

"Medyo. Rawr" -Iron

Rinig ko naman ang tawanan nila. Akala naman nila hindi ko sila naririnig 'no?

Kung sipain ko kaya sila pareho palabas nitong kotse ko? Bahala na sila maglakad papuntang Gangwon.

Pero dahil mabait pa naman ako, pinabayaan ko na lang sila. Pagkatapos ng isang oras na byahe ay nag-stopover muna muna kami sa isang convenience store.

Nag-ramen muna kaming tatlo. Si Iron bumili ng chichirya at si Daen naman, syempre jellies at gummies.

Parang silang dalawa lang yung nagkakaintindihan sa mga pinagkukwentuhan nila.

"Ate, bat ba ang sungit mo ngayon? May red tide ka?" -Daen

"Wala" tipid kong sagot. Nakakainis eh!

"Ate Edi oh" nilapag ni Iron ang binili nyang banana milk sa tabi ko "...baka di ka matunawan"

Kinuha ko yun at ininom.

"Yiiiiiee~ ngingiti na 'yang ate kooo~" -Daen

Tinignan ko sya ng masama pero mukha talaga syang abnoy kaya natawa ako sa mukha nya.

"Si Daen lang pala makakapagpatawa sayo" -Iron

"Aish~ wag ka na mag-selos future brother-in-law" -Daen

Kinurot ko naman sa tagiliran si Daen. Ang daldal eh!

"Joke lang ateeee" -Daen

Binitawan ko sya. Pulang-pula sya ngayon. Kaasar eh.

"Napaka-guilty mo naman ate" -Daen

"Hindi ka pa rin talaga titigil?" -me

"Sabi ko nga titigil na eh. Sungit" -Daen

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now