💒17

85 5 6
                                    

CELLO'S POV

"Uy besty! Matunaw naman si Granite"

Inalis ko naman yung tingin ko kay Granite na mukhang tuwang-tuwa kasama yung pamangkin nung crush na crush nyang Nam Dohyun.

"Besty, diba mas pogi naman ako dun sa kausap nya?" -me

"Besty di ko na kailangan sagutin yang tanong mo. Alam mo namang sayo yung boto ko diba?" -Edi

"Ayoko ng ganyan besty! Sagutin mo yung tanong ko" -me

"Wag na. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin" -Edi

Tinignan ko sya ng masama. "So sinasabi mong panget ako?"

"Besty hindi ka panget, okay?" -Edi

Napangiti naman ako dun sa sinabi nya.

"Talaga?" -me

"Oo naman! Pero di ka din mas pogi sa kausap nya ah?" -Edi

"Ay wow. Salamat sa suporta ah?" -me

"Baliw! Suportado naman talaga kita. Ang kaso nga lang, napakatorpe mong hayop ka" -Edi

"Oo. Salamat talaga besty sa pagtawag sakin na hayop" -me

Inirapan ko sya at kinurot nya naman yung pisngi ko.

"Ito naman! Tampo agad? Eh kung umamin ka na kaya kay Granite?" -Edi

"Parang napakadali naman nun" -me

"Subukan mo kasi! Inuunahan mo ng negative na conclusions, eh wala ka pa namang ginagawa" -Edi

Pasalamat talaga to hindi na ako boto kay Iron para sa kanya eh! Ayoko namang magaya sya kay Saeron.

"Basta besty kung ako sayo, aamin na ako bago pa maging sila ng lalaking yan" -Edi

Binalik ko naman yung tingin kay Granite na tawang-tawa sa lalaking kaharap nya.

Nakakatawa siguro yung mukha nyan.

"Ano besty? Tulungan na ba kita?" -Edi

Susubukan ko ba?

✂️✂️✂️

ARIES' POV

"Tapos na yung RRL natin!" -Navy

Makapag-bunyi talaga oh?

"Wag kang masyado masaya. Naubos yung pera ko dahil sa katakawan mo" -me

"Sorry na. Alam mo namang bawal ako magutom eh" -Navy

"Oo nga eh. Kahit hindi ka gutom kumakain ka pa rin" -me

"Alam ko na! Ako naman manlilibre sayo! Ano bang gusto mo kainin?" -Navy

"Burger tsaka milkshake" -me

"Okay!" binuhat nya yung bag namin at binalik ang mga libro na kinuha namin sa shelf.

"Tara na" hinawakan nya yung wrist ko at hinila ako palabas ng library. Pagbibigyan ko sya ngayon kasi ililibre nya ako.

"Uy! San tayo pupunta?" -me

"May bagong bukas na milk tea shop dito. Dun na lang tayo" -Navy

"Lalabas tayo? Diba bawal yon?" -me

"Aries, bawal yun kung may klase tayo. Vacant natin oh? Pwede tayong lumabas kaya tara na" hinila nya ako palabas ng gate at hinayaan naman kami ng mga guard.

Dinala naman nya ako sa isang milk tea shop. Dumiretso kami sa counter pagkapasok namin.

"Isang burger and milkshake tapos chicken sandwich and.... cookies and cream milk tea" -Navy

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now