💒26

79 6 24
                                    

LEWIN'S POV

"Geumi!" kumaway ako sa kanya at kumaway din naman sya.

Tumakbo ako papunta sa kanya at may nagmadali naman ako nang makita kong may mahuhulog sa ulo nya.

Hinila ko sya agad palapit sa akin at nakarinig kami ng malakas na tunog.

Tumingin ako sa taas para silipin yung nasa rooftop. Nakita ko naman si Dasom na nagtago agad nung nakitang nakatingin ako sa kanya.

"Lewin yung vase!" -Haegeum

Tinignan ko naman yung nahulog kanina at basag-basag na vase ang nakita ko.

Putangina naman!

"Okay ka lang ba? Hindi ka nasugatan?" -me

Umiling naman sya. Buti naman.

"Lagot tayo Lewin. Dapat sinalo natin yung vase! Dagdag gastusin na naman yan" -Haegeum

Di ko din alam pero niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Buti nahila ko sya agad.

Akala ko mawawala na sya sakin.

"Lewin?"

"Wag mo na isipin yung vase. Ang mahalaga, buhay ka at wala kang galos" -me

"Pero Lewin kasi...ang daming nakatingin satin" -Haegeum

"Hayaan mo lang sila. Mamatay sila sa inggit kasi ang gwapo ng kayakap mo" -me

Tinulak nya naman ako at tinignan ng masama.

"Ang yabang mo" -Haegeum

"Lewin, Haegeum! Anong nangyari dito? Bakit may nabasag?" -Minhyun

"Ano... Appa Hwang...hinangin ata yan kanina kaya nahulog" -me

Lagot talaga sakin yang Dasom na yan pag nakita ko sya ulit.

"Ganun ba? Dapat talaga hindi nilalagay sa edge ng rooftop yung mga vase eh" -Minhyun

"Saan ka pupunta Appa Hwang?" -Haegeum

"Sa rooftop. Aalisin ko yung mga vase dun para di na maka-disgrasya" -Minhyun

Tumakbo naman na sya palayo. Sya na talaga pinakahands-on na Dean!

"Tulungan kaya natin si Appa Hwang?" -Haegeum

Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako paakyat ng rooftop.

Lewin kumalma ka nga! Wag ka namang magpahalata!

"Oh? Bat nandito kayo?" -Minhyun

"Tutulungan ka daw ni Lewin magbuhat ng vase" -Haegeum

EH?

"AKO?"

"Malamang! Alangan namang ako" -Haegeum

Aba! Idea nya to tapos sakin nya ipapagawa? Iba din talaga!

"Sige, pero sa isang kondisyon" -me

"Anong kondisyon? As long as hindi yan kagaya dun sa ginagawa mo sa mga babae mo, okay ako" -Haegeum

I smirked. "Sabi mo yan ah? Walang bawian"

"Anong kondisyon ba?" -Haegeum

"Mamaya ko na sasabihin tutulungan ko muna si Appa Hwang" nag-wink ako sa kanya at tinulungan na si Appa Hwang na mag-alis ng mga vase.

✂️✂️✂️

SKY'S POV

"Uy Natan!" tinapik ko yung braso nya at parang natauhan naman sya.

Unibersidad de Wanna OneWhere stories live. Discover now