"Huwag kayong magalala, walang hazing hazing dito Hahahaha baka kinakabahan na kayo eh" ngiting ngiti si Gago. The heck, ayoko ng mga ganitong bagay.

"Isang makulay na samahan lang ang nais naming ipropose sa inyo"

"Tss.." naagaw ng singhal na 'yon ang presensiya ng lahat. Tumayo yung isang bata na halos ka edad ko lang ata. "May assignment pa ako, kaylangan  ko ng umalis" dirediretsong sabi niya.

Isang ballpen na nakaipit sa tenga at isang kwadernong nakalagay sa bulsa niya ang tanging dala nito.

Sa suot niya ay tulad kong Grade 6 palang siya.

"Hahahahaha that's my boy" pumapalakpak na sabi nung Green. Lumapit siya dun sa lalaking tumayo "Have a sit first, Mr. Smart Guy" inalalayan pa nito sa pag upo yung lalaki, na sumunod naman sa kanya.

Kinakabahan naman ako sa nangyayari, gusto ko narin umalis pero parang wala akong kawala.

"Kaylangan sa binubuo naming samahan ang isang matalino" nakatingin si Red dun sa lalaking may ballpen sa tenga. "Isang tao na magaling gumawa ng plano, magaling magdesisyon higit sa lahat gumawa ng escape plan pag nasa panganib ang grupo"

"Tss.."

"At wala ng mas deserving na umangkin sa pwestong 'yon kundi ang Overall Top Student ng Primary Campus" nakatitig siya sa lalaking palasinghal.

Siya, siya ang Top Student sa campus namin. Yang ayos niyang yan matalino siya?

And bat hindi ko siya classmate. Nasa special class ako, kaya alam kong nasa amin ang lahat ng matatalino.

"Sa bawat plano kaylangan namin ng mga mapanlinlang na mukha" lumapit naman si Kuya dun sa, mas inayos ko ang paningin ko. Kambal?! "Kaylangan ng kambal sa inyong grupo, ang mga mukhang 'yan ay maraming magagawang mahika para makapanlinlang ng mga tao"

"Isang taong magaling mang uto ng Guro Hahahahaha" lumapit si Green sa upuan ng isang lalaki na ngiting ngiti naman. "Lakas mo sa mga teacher boy'" tinapik niya to. "Magagamit mo ang charm nayan"

"Isang mabait na bata" tumayo narin si Red at naglakad naman papalapit dun sa isa pang istudyante. "Isang mabait na bata, na pwedeng gawing demonyo"

Anong ibig niyang sabihin.
"Nakita ko yung ginawa mo nung isang araw" tila kinakausap niya yung isang lalaki. "Kaya mong itago sa mabait mong mukha ang totoo mong pagkatao, Magaling"

"Masama ako, sa masama sa akin" sagot naman nito."Sa masama sa malapit sa akin"

"Perfect, kaya sana maging malapit na kayong lahat sa isat isa" lumapit si Red dun sa kamukha ni Uzumaki Naruto. "Kaylangan din namin ng magaling sa akyatan" natatawang sabi nito.

"Hahahahaha ikaw ang umuubos ng mangga sa may Botanical Garden Hahahaha" tawang tawang si Green habang kinakausap nila yung lalaki. "Parang kang Ninja, Si Naruto"

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now