Chapter 21

14.2K 251 65
                                    

Aislin Laurel

Nakaupo ako sa sahig ng hallway ng ospital habang yakap yakap ko ang mga tuhod ko. Wala na akong mailabas na luha. Nakatitig lang ako sa dingding. Napapatingin sa akin ang mga dumadaan and I couldn't care less.

His vitals became stable but he's still unconscious and his color is almost paper-like. Madaming nakakonektang aparato sa katawan niya. 

He has cancer...Leukemia and I don't know what to feel about that anymore.

I shouldn't care because first of all, wala na kami and not long ago, he cheated on me...but fùck, I loved him. It's not that easy to just unlove him kasi si Yoseff 'yung taong hindi basta-basta kinakalimutan, he's the kind of person that no matter how much he hurts me, I would still care and be there.

A sob escaped my throat. Akala ko ay wala na akong mailalabas but I felt the tears urged down my cheeks....again.

It's been two hours since we got here. I can hear her mother's cries from the room. Isang dingding lang ang pagitan namin. 

Ramdam ko pa din ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang tinutulak namin ang stretcher niya papuntang emergency room. Rinig ko pa din ang tunog mga aparato na nagsi-simbolo na hindi stable ang lagay niya kanina.

It still rings in my head.

Nakahinga lang kami lahat nang maluwag nang dalhin na siya sa pribadong kwarto. 

I'm so confused, agonized, and heartbroken. Napag-desisyunan ko munang lumabas dahil baka humagulgol ako doon sa loob. The tension inside the room is thick. I need a space to breathe in.

I heard the door opened. I looked up and saw Layton. Umupo siya sa tabi ko. His eyes were red and puffy.

Sumandig siya sa balikat ko. I took his hand and squeezed it gently.

"I already knew that this is coming but...pùtangina, ang sakit-sakit pa din kahit anong preparasyon ko sa sarili ko...it's fùcking torture and brutal to watch your brother die and can't do anything a-about it.." Nanginginig ang tinig niya. 

Natigilan ako. He knew?

"W-what?

Iniangat niya ang kanyang ulo mula sa aking balikat. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay habang nakakunot ang aking noo. Isinandig niya ang ulo niya sa pader.

"He was diagnosed with stage three Leukemia about a month ago.." 

My mouth parted. If I'm not mistaken, that's when he started acting cold and lost.... My chest heaved.

"And?"

"And about almost three weeks ago...his body rejected the chemotherapy...he was given three weeks to live.."

Pakiramdam ay nahulog ang puso ko sa aking kalamamnan...that's when I saw him with Sasha. Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Layton. 

I put it all together and suddenly everything started to make sense. 

"I-Is that the r-reason.." Hindi ko maituloy ang sasabihin dahil naguunahang pumatak na naman ang mga luha ko. 

He nodded and smiled at me sadly. He didn't even need to say anything.

My mouth parted as I breathed out. Napasandig ako nang tuluyan sa dingding. 

Bumaba ang tingin ko sa sahig pareho kaming napatahimik. Minutes had passed ay tahimik pa din kaming nakaupo doon. 

Hindi nagtagal ay may nakita akong set ng paa na nakasuot ng red heels. Dahan-dahang tumaas ang tingin ko.

It was Sasha. There's tears stains on her cheeks.

Seducing Mr. SungitWhere stories live. Discover now