Chapter 8

10.7K 291 8
                                    

Aislin Laurel

Syempre hindi umubra ang akin. For the rest of the week kasabay niya akong pumasok at umuwi. Hindi namin pinagusapan kung ano 'yung nangyari noong isang araw...

Hindi ko alam kung bakit umaasa pa din ako na gusto niya ako. He made it clear na hindi niya ako magugustuhan. I told Eina what happened and she told me na hindi ba daw ako naaawa sa sarili ko dahil malinaw pa sa tubig na sinabi ni Yoseff na ayaw niya sa akin.

Maybe this is the wake up call na it's enough. Hindi talaga ako magugustuhan ni Yoseff kahit anong gawin ko.

Tahimik ko lang na yakap ang bag ko habang naka-dungaw ako sa bintana. Pauwi na kami mula sa school.

I glanced at him.

Natapos na ang isang linggo pero he insisted na sa kanya ako sumabay..

Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay ko.

"Yoseff..hindi na ako sasabay bukas ah?" He just looked at me with furrowed eyebrows.."Baka kasi masanay ako.." I joked.

He just smiled lightly.

"Edi masanay ka...hatid kita araw-araw.."

I felt myself blushed... ano ba! I'm trying to uncrush you! Ba't ka ganyan. I bite my lip to stop myself from smiling.

" 'Wag ka ngang ganyan..baka isipin ko na ika-crushback mo na ako.." I laughed.

Umiling siya.

"Hindi naman...hahatid lang naman kita eh." He replied.

It's my turn to shake my head.

"I appreciate it but if you really want me to stop liking y-you...I-I should stay a-away from you." Nag-iwas ako ng tingin. It's easier said than done.

I saw an unknown emotion pass his eyes. Marahan siyang tumango.

"Bye.." I said at tuluyan nang lumabas ng sasakyan.

----

Kasalukuyan akong nasa aking kwarto. Ilang araw na ang nakalilipas. I stopped bugging him and boy, it's easier said than done. 

Noong isang araw ay nagkasalubong kami sa hallway. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko na 'wag siyang tingnan. Kaya nakayuko akong nagpatuloy lumakad.

Nat-tempt ako lagi na pumunta sa bermuda. I tried noong isang araw..pero natigilan ako dahil kasama niya si Sasha..at hinarang ako ni Cedric at kinausap para ayain ako manood ng basketball game niya sa makalawa.

Napabuntong hininga ako.

Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame. Nagiisip ako nang isusuot ko dahil pep rally bukas. Pwede kaming mag-suot ng kahit ano, as long as hindi bra ay panty.

Masaya ang pep rally. Maglalaban laban ang bawat grade sa sayawan. Higit sa lahat, walang klase. Seniors ang nanalo last year, kaya nakaka-excite kung sino ang mananalo ngayon.

Tumayo ako at humarap sa life size mirror na nakasandig sa dingding. Laging pinapansin ni Yoseff si Sasha. Ganoon ba ang tipo niya? 'Yung naglalagay ng make-up at nagsusuot ng maiikling damit?

Well, kung ganoon. Competitive ako, hindi ako magpapatalo kung ang premyo ay ang puso ni Yoseff. Let's say eto na ang huling attempt ko..

Mabilis akong pumasok sa aking closet at naghanap doon ng maisusuot.

-

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga din akong nakapag-prepare. Bago mag-alas siete ay nasa baba na ako. 

Seducing Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon