Chapter 18

10K 230 41
                                    

Aislin Laurel

Lumipas ang mga araw. I'm still miserable. Although nabawasan na ang sakit na nararamdaman ko but it's still hurts. Hindi pa din ako makatulog sa gabi ng maayos without wondering what went wrong...and then ended up crying for hours.

Pumasok akong naka-shades dahil maga at masakit ang mga mata ko...pero mas masakit ang puso ko. Lutang akong pumasok sa first period. Nagsasalita ang teacher namin pero pakiramdam ko ay nasa background lang ang boses niya dahil wala akong maintindihan.

Ganoon din sa second hanggang sa lunchtime ay tulala lang ako. Mag-isa lang ako dito sa table. Pumunta ako sa student center because I can't afford to bump or even look at Yoseff right now without breaking down in front of him. 

Wala si Eina dahil may rehearsal sila ng Mock Trial. They're going to compete for nationwide since nag-champion sila sa buong district namin.

Naka-sulpak ang earphone sa magkabilang tenga ko at ginawa kong unan ang mga forearm ko. 

I groaned when somebody took out my earphone from my left ear. Mabilis kong itinaas ang ulo ko. Cedric is already sitting on the chair on my opposite side at malawak ang ngiti niya. Basa ang buhok niya at mukhang kakagaling lang niya sa practice.

"What are you doing here?"

"Visiting my favorite girl in the whole wide world." He winked.

Inirapan ko siya at tinanggal nang tuluyang ang earphones ko.

"Ewan ko sa'yo." 

He chuckled. May ipintanong siyang plastic sa lamesa na may lamang kung ano ano. My lips twitched.

"What's that?"

He bit his lower lip at nilabas niya ang tig-tatlong pack ng Yakult at Chuckie.

"Bibili sana kita ng Jack Daniels o wine kaso ang sabi ni Eina ay eto na lang bilhin ko." 

"You guys are a lifesaver!" I beamed at kumuha ng Yakult.

He grinned. Ipinatong niya ang baba niya sa kanyang palad at pinanood akong ubusin ang Yakult.

"Kamusta ka naman?" He asked sincerely.

I scoffed at binutas ang chuckie gamit ang straw. Sumipsip muna ako bago sumagot.

"Edi eto, nasasaktan pa din." I said with a fake enthusiasm.

He sighed and shook his head.

"I don't get it. Tàngina, ang sarap mong mahalin at alagaan hindi ko alam kung bakit siya naghanap ng iba." His face hardened as he fixed his gaze on me. Napatigil ako sa pagsipsip. "He fùcking threw a diamond...just like that." Umiling ulit siya. His jaw tightened.

I chewed on my bottom lip as I dropped my gaze. Nanlalabo na naman ang paningin ko dahil sa luha. 

I heard him cuss. Tumabi siya sa akin. He wrapped me in a hug. Naamoy ko kaagad ang kanyang pabango it was mixed with his natural scent.

"Oh, Aila.."

I felt him kiss the top of my head. For some reasons I felt comfort and security in his arms.

"Ako din...I wonder w-why.." Napasandig ako sa dibdib niya. 

"Here.." Iniabot niya sa akin ang panyo niya. He let me cry.

Natapos na ang lunchtime. Sabay kaming papasok sa third period. Nakahawak ako sa braso niya habang naglalakad kami sa hallway.

Bumagal ang bawat hakbang ko. My heart raced. When I saw Yoseff and Sasha. They are walking on the opposite side.

Seducing Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon