Chapter 14

9.6K 210 9
                                    

Aislin Laurel

"Mare! Ang dami kong nakitang abs! Jusmiyo, mapapalunok ka na lang kung nakita mo, I swear!"

Iiling-iling kong pinakinggan si Eina. Nasa cafeteria kami at kasalukuyang nagla-lunch. Isang linggo na kaming nakakabalik sa eskwela pero parang na-stuck pa din ako sa sembreak. Dahil nandoon ang one of the best memories ko. 

I bit my lower lip.

Sandali kong hinawakan ang pendant ng aking kwintas. I felt that warm fuzzy feeling as I thought of Yoseff. That sweet thoughtful man who has my heart.

I glanced at Eina.

Mas lalo siyang gumanda dahil naging tan ang balat niya. Sabi niya ay summer daw sa Virginia ngayon kaya sa beach nila ni-celebrate ang reunion nila. Syempre may mga ibang tao din doon. At syempre ulit, malinaw ang mga mata ni Eina pagdating sa mga gwapo at abs.

"Gaga, akala ko ba may Mr. Orvilla ka na?" Tudyo ko sa kanya.

Ngumisi siya at tinaas baba ang mga kilay niya.

"Syempre...siya ang number one sa listahan ko...fling ko lang 'yung mga nasa Virginia!" She giggled.

"Eina!" I said as I laughed at her.

Hindi ko kasabay mag-lunch si Yoseff ngayon dahil off campus siya. He's going to help clean up the parks. Isa iyon sa requirements ng school bago sila mag-graduate. Kailangan nilang mag-contribute sa society kahit papaano. 

Ngayong lunchtime siya pumunta patungo sa park. Mamayang hapon naman ay pupunta si Yoseff sa isang charity center para mag-donate...atleast, that's what he told me. I support him all the way.

"Nako, ha, may pa-kwintas pala si Yoseff!"

Ngumiti ako. I told her what happened during the sembreak.

"Yeah...kilig ako to the max...ganito pala ang pakiradam ng mahalin at alagaan...Natatakot lang ako kasi alam mo 'yun...ang bata pa namin...like marami pang magdadaan na challenges sa buhay at sa relationship namin.."

Tumaas ang kilay ni Eina habang nginunguya niya ang burger. She's like telling me to go on.

"Natatakot ako na baka dumating 'yung araw na may challenge na hindi namin overcome...Mare, I can't and don't want to lose him..."

She sighed. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa lamesa. She caressed it.

"Mare, alam mo. Hindi natin alam ang mangyayari sa future..okay? I know, you're just being realistic, but don't let your train of thoughts prevent you from enjoying the 'now'...okay?" She smiled. I nodded. Nakaka-relieve talaga marinig ang point of view ni Eina. 

"Thank you, Mare...I heart you." I replied and giggled.

"I heart you too po! By the way may pasalubong pa ako sa'yo." Kumunot naman ang noo ko habang hinahalungkat niya ang bag niya.

"What? Hindi pa ba sapat 'yung tatlong plastic ng Kit-Kat at special jam ng Lola mo?" 

She smirked and shook her head.

"Apparently, may mga pinsan din akong ka-vibes doon...so, pumunta kami sa adult shop and we bought stuff...of course hindi kita kinalimutan.." Tinaas baba niya 'yung mga kilay niya.

"Bakit kinakabahan ako sa 'stuff' na 'yan Eina?"

She smiled widely.

My mouth parted ng naglabas siya ng isang malaking candy na shape na penis, sticker na boobies at penis, may isa pang pack ng condom! Ang babaeng to!

"Eina!" 

She laughed loudly.

"What? Masarap yung dìck na candy...creamy, Mare!"

Seducing Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon