Chapter 4

13.6K 353 25
                                    

Aislin Laurel

Nai-kwento ko kay Eina ang detailed na nangyari kanina sa Cafeteria. Impit siya na tumitili, kahit na nasa classroom kami at nagdi-discuss ang aming teacher. 

"Hala, mare! Umamin ka na!"

I bit my lower lip and nod.

Her lips parted at hinawakan ang aking magkabilang balikat at inalog ako habang impit na tumitili.

"Hala kaaa! Shemaaay! Kilig ako grabeee! Ano---"

"Ms. Coelle!"

Natigil naman siya sa pagsasalita at pag-alog sa akin nang tawagin siya ni Ms. Abyufacar. 

Ang History teacher namin na terror, pareho kaming bahagyang namutla.

Mukha talaga siyang nakakatakot dahil, laging naka-tight bun ang purple niyang buhok, lagi siyang naka-straight face, hindi mo makikita na naka-ngiti ang naka-black lipstick niyang mga labi, lagi din siyang naka-itim na palda  at itim na long-sleeves, nakaakilabot talaga, marami na rin siyang naibagsak through the quarters, jusko, baka kami na ang susunod, lord. mali ata kami nang klase na pinag-ingayan. 

We looked at her, oh, boy. She looks angry as fudge. Pa-simple naman ako na tumingin sa paligid, nakatingin sa amin ang buong klase.

"Ms. Ferreira and Ms. Coelle. You're distracting the class, get out!" Galit at malakas na sigaw niya na sa tingin ko ay rinig hanggang sa building ng senior high.

Mabilis kaming tumayo at dinampot ang aming bag, akala ko ay 'di niya kami naririnig dahil nasa  pinaka-likod namin. 

Nang makalapit kami sa table niya dinampot ko ang pass at tuluyang lumabas sa pinto. Nang makalayo na kami ay nagkatinginan kaming dalawa at malakas na natawa.

"Holy crap, ang epic na mukha niya!" Natatawang sabi ni Eina.

"I know, whoo! Thank freak, lunch na after nito."

We high fived nang matapos kaming tumawa.

I slightly raised the red paper between us, pass 'yon para hindi kami harangin ng mga school aide.

Red paper means pinalabas kami ng teacher mula sa class dahil obviously ginalit namin siya and we're required to go to the main office, mags-stay kami doon hanggang sa matapos ang period.

Dumeretso kami sa office. Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang busy na office. May mga estudyante na nagp-print at may mga staff na sumasagot ng tawag. 

Agad na nahagip ng aking paningin ni Yoseff. Kausap niya ang isa sa mga staff. Binigyan siya ng I.D noong staff. Omg! Student Aide siya for today!

Mga seniors lang ang pwedeng maging Student Aides magka-count 'yun as extracurricular activities. Ang karaniwang ginagawa nila ay magbigay ng mga papers or something sa mga teachers from the office.

Pumunta kami na kami sa detention room. Binigay namin ang red na pass. May tatlong estudyante doon na bored na bored na nakaupo.

The teacher wrote our names down.

"Alam ko 'yung tingin na 'yun..." Tudyo sa akin ni Eina na nang umupo na kami. "Gusto mong maging assistant ni Yoseff."

Ngumisi ako at tumango 

"Gora lang, mare... alam ko naman na gusto mo lang malapit sa kanya." Natatawang sabi niya.

I giggled.

Mabilis akong lumapit sa teacher na in charge ngayon dito sa detention room. Si Ms. Kaiser. Malapit na siyang mag-retired dahil almost sixty na siya. Matangkad at mestiza. Higit sa lahat mabait.

Seducing Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon