Chapter 1

30.2K 499 50
                                    

Aislin Laurel

"Aila, bilis! Maabutan na tayo nina Carmina!" Paalala sa akin ng kaibigan kong si Eina habang tumatakbo kami palayo. Mas lalong sumagid ang kaba sa aking dibdib kaya naman mas binilisan ko pa ang aking mga paghakbang sa sidewalk. Nang sandali akong lumingon sa aking likuran ay agad kong nakita ang galit na mukha nina Carmina at ng mga kaibigan niyang masasama ang ugali!

Hinahabol nila kami dahil gusto nilang agawin ang chinese garter ko na ngayon ay mahigpit kong hawak.

"Aila, andyan na sila bilis!" Paalala muli ni Eina na naunahan na ako.

Hindi na ako makahinga nang maayos, ayaw na rin humakbang ng aking mga paa dahil masakit na ang aking mga hita, kaya naman humihingal akong napatigil. Agad din na napahinto si Eina.

"Huminto na si Taba!" Narinig kong sigaw ni Carmina.

"Gotcha!" Sigaw ni Carmina nang mahablot niya mula sa akin ang makulay kong chinese garter.

"Carmina! Ibalik mo nga kay Aila 'yan! 'di naman sa'yo yan e." Sigaw ni Eina sa kanya.

Dumila lang si Carmina sa kanya.

"Tse! Ewan ko sa'yo. Akin na 'to!" Malakas niyang sabi at itinulak ako kaya napahiga ako sa konkretong daan.

"Ye, ye, ye, ye! Pangit! Taba!" Sigaw pa niya sa akin, kaya hindi ko na maiwasang mapaiyak.

"Ang sama-sama mo, Carmina! Etong sa'yo!" Binato ni Eina si Carmina ng buhangin na mula sa gilid namin.

"Ikaw na ulikba ka!" Tili naman si Carmina.

"Anong nangyayari dito?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Carmina nang magsalita si Yoseff na kalalabas lamang sa gate nilang malaki.

Nine years old na si Yoseff samantalang ako ay seven years old pa lang.

Naingayan siguro siya sa amin. Nandito kami malapit sa bahay nila at lagi siyang nagagalit kapag may maingay sa paligid niya. Lagi lang siyang naka-straight face, kahit noong birthday niyang may mga clowns at malaking cake, bahagya lang siyang ngumiti.

"Ah- eh, w-wala." Painosenteng sagot ni Carmina sa kanya.

May gusto si Carmina sa kanya at magka-edad sila.

"Sinungaling kang babaita ka! Kinuha mo ang chinese garter ni Aila!" Inis na sagot ni Eina.

Napailing naman si Yoseff at napabuntong hininga.

Nanlaki naman ang aking mata nang marahas niyang inagaw ang chinese garter mula kay Carmina at bahagya siyang itinulak. Naglakad siya palapit sa akin at tinulungan akong tumayo.

"S-salamat." Nahihiya kong sabi. Namula ako.

Tumango lamang siya at iniabot sa akin ang chinese garter.

"Sa susunod 'wag kang mang-aagaw ng bagay na 'di sa'yo, Carmina. Alis na, bago pa kita isumbong sa Mama mo." Sabi ni Yoseff na ikinaputla ni Carmina.

Mabilis itong tumango.

"Kayo din, Lychee at Megan. 'Pag nakita ko ulit kayong inaaway niyo sila Aila at ang kaibigan niya, lagot kayo sa akin." Banta niya at mabilis na naglakad palayo sila Carmina.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis nang tibok ng puso ko. Mariin tuloy akong napahawak sa chinese garter.

"Salamat, Yoseff!" Masayang sabi ni Eina

Tumango lamang siya at tumingin sa akin. Hanggang dibdib niya lang ako dahil may katangkaran siya

"Ayos ka lang?"

Seducing Mr. SungitWhere stories live. Discover now