Chapter 2

18.8K 470 22
                                    

Aislin Laurel

Pediatrician si Mama sa isa sa pinaka-malaking ospital dito sa Metro, samantalang ang Mom ni Yoseff ay isang Physician sa parehong ospital na pinagta-trabahuhan ni Mama. Hindi iyon coincidence, sinadya nila iyon dahil mag-bestfriends sila since highschool. Nagkahiwalay lamang sila noong nag-aral si Mama sa Canada, dahil nag-migrate sila Lolo at Lola doon.  Doon din nakilala ni Mama si Papa na half-Filipino at half- Spanish. 

#struggle_was_real talaga ang sitwasyon noon para sa parents ko. Dagdag mo pa na halos tagain ni Lolo si Papa noon dahil nabuntis niya si Mama agad, nagalit si Lolo dahil only child lang si Mama.

Well, naglaho rin iyon noong pinanganak ako and fast-forward to today; My Father is an Software Engineer and good terms na sila ni Lolo.

Though we moved back here in Philippines when I was three dahil sa trabaho ni Papa at naiwan sila Lolo at Lola sa Canada, they like it there. Our stay here was suppose to be a short term pero dahil I liked the Philippine weather----hindi kami friends ng snow ng Canada and I already found a friend here in Summer Village, we decided to stay.

Hindi nawala ang communication nila Mama at Tita Yasmin kaya noong nalaman niya na uuwi kami dito she suggested na dito sa village kami bumili ng bahay. Which we did and ten years later ;

LETSE, MAHAL KO PA RIN SI YOSEFF.  Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Still going strong ang peg. I'm relieved na hindi pa siya nagkaka-girlfriend. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung sakaling magkaroon siya ngayon.

Napabuntong hininga naman ako habang hawak ko ang wrapper nung lollipop na binigay sa akin ni Yoseff noon. Oo, tinabi ko 'yon. Minsan nga ay inaasar ako ni Eina na baka hindi na love ang nararamdaman ko, kundi obsession na. Well, in my defense----Yes, ang lalim 'di ba? Pero mas malalim ang pagmamahal ko kay Yoseff.

BoOoOOoM! haha charot!

In my defense as long as wala akong telescope na ginagamit para makita  si Yoseff mula sa loob ng room niya, o kinokolekta ang bawat butil ng pawis niya o inaamoy ang brief niya----Which is very gross, eh, hindi pa ako obsessed sa kanya. Pero ang sagot naman ni Eina ay ganoon din daw 'yun.

Speaking of Eina, nagka-diarrhea nga si gaga, mukhang nagkatotoo 'yung sinabi ko pero medyo kasalanan din niya dahil madami siyang nakaing mangga at mukhang hindi siya hiyang sa bagong na sawsawan non. 

Hindi na ako nagka-kapatid pa dahil matapos akong mapanganak ay nagkaroon ng problema sa ovary si Mama, kaya naman parang kapatid ko na rin si Eina. Halos sabay kaming lumaki kaya mahal ko ang baliw na babaeng 'yon.

Nakadungaw ako sa bintana habang nasa kamay ko ang lumang balot ng lollipop. Tapos na ang school para sa araw na ito kaya naman nandito lang ako sa aking kwarto. Kitang-kita ko ang daan at ang katapat naming mga bahay. It was Yoseff's.

Isang bahay ang layo nila Carmina mula sa amin. Well speaking of that girlalu, okay na kami, it was just a childhood troubles, and she apologized for calling me fat, back then. Feel ko naman na sincere siya, so I forgave her, I heard na ang mga kapatid na lang niya ang nasa bahay na 'yan, she went away to Ireland para doon mag-aral. 

Natigil naman ako mula sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa baba.

"Aislin, Anak!"

Naalala ko na day-off pala ni Mama ngayon at mamaya pang dinner time uuwi si Papa mula sa trabaho. Binuksan ko ang aking drawer na nasa bedside table at marahan na ipinasok doon ang balat ng lollipop, kinuha ko rin ang aking phone at tuluyan nang bumaba and there I saw my Mother, filling a red food container with Kare-Kare.

Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"What's up Ma?"

She smiled and sealed the container with its white lid.

Seducing Mr. SungitWhere stories live. Discover now