Chapter 6

12.1K 324 20
                                    

Aislin Laurel

Hindi mawala sa isipan ko ang pagkayap sa akin ni Yoseff. Tapos ang mas nakakaloka, hinatid niya pa ako pauwi, gosh! Inilagay niya ang bisekleta ko sa likod ng pick-up niya at ni-drop niya ako sa bahay
 Grabe, nakakakilig parin isipin kahit isang linggo na ang nakakaraan. Pakiramdam ko nasa cloud nine parin ako. Feeling ko lumilipad ako sa saya!

Napangiti ako. 

Kasalukuyan naming binabaybay ni Eina ang hallway. Dederetso siya sa practice samantalang ako ay sa bermuda dahil gagawa ako ng homework.

"Mare, ano ba talaga ang nagustuhan mo kay Yoseff? Jusko, ever since hinahabol mo na siya..aso ka ba noong past life mo?" 

Sininghalan ko siya.

"Tse! Basta may something sa kanya....like ang bango, matalino, matangkad...gwapo! 'Di pa ba sapat na dahilan 'yun? At hindi ako aso noong past life ko noh? Persistent lang talaga ako.."

She made a face.

"Sus, edi sana all.."

Tinawanan ko siya.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin ang crush niyang teacher na si Mr. Orvilla. Tinuro niya sa akin noong isang araw. Gwapo naman talaga mga mare! Tall, olive skin, matangos ang ilong at curly hair. 

Para namang inaasinan na bulate si Eina sa kilig.

"Oh, Eina.." 

Natigil naman kami sa paglalakad nang binati ni Mr. Orvilla si Eina.

Para namang kamatis sa pula si Eina.

"Hey, sir.." She tucked her hair behind her ear.

He smiled.

"Pupunta ka ng Mock Trial practice room?" 

Mabilis na tumango si Eina.

"Yes, sir.."

"Oh, dun din ang punta ko..sabay na tayo nila Ma'am Jenzika..daanan natin siya sa room niya..."

Mabilis ulit na tumango si Eina.

"Of course, Sir."

"Bye mare.." bulong niya at sumunod na kay Mr. Orvilla.

Pinandilatan ko siya. Nag-thumbs up lang siya kumindat. Kaya pala sumali sa mock trial ang gaga.

Iiling-iling akong naglakad papunta sa bermuda. Agad ko namang namataan si Yoseff na tahimik na kinakain ang lunch niya habang may hawak na libro. Kumuha siya ng slice ng carrot at isinubo iyon habang focus na focus siya sa libro.

Ang gwapo talaga!

Umupo ako malapit sa kanya.. syempre, para masagot ko ng tama ang worksheet kailangang malapit sa inspiration! 

"Hi Yoseff!"

Bahagya naman siyang nagulat at napaangat ng tingin mula sa librong binabasa niya. As usual nakakunot ang kanyang noo at deretso ang kanyang mapupulang labi.

"What are you doing here?" Masungit niyang tanong.

Napanguso ako. 

"Pwede sabay tayong mag-lunch?"

Bumuntong hininga siya.

"Hindi pwede. Busy ako." Parang robot niya na sagot.

"Eh, nagbabasa ka lang naman eh.."

He hissed.

"Doon kana...ayoko ng makulit kapag nagbabasa ako."

I acted as if I'm zipping my mouth.

Seducing Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon