Chapter 9: Chandria

111K 1.4K 153
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 9 - Chandria

 CHANDRIA'S POV

"Whaaat?!"


No... No... No! Hindi pwede. Hindi talaga pwede!

Kainis naman siya eh. Napasigaw pa tuloy ako.

Ano nang gagawin ko niyan? Ayokong malaman niya...

"No! Ayoko..." sabi ko.

Napataas yung isang kilay niya habang nakatingin sakin. Then he smirked. That smirk. Daniel Jimenez's infamous smirk. Maninindig ang balahibo mo sa mga damoves niyang yun. Ayan nanaman siya e. Alam kong may binabalak siyang hindi maganda.

"Si-gu-ra-do... ka?" taas-baba ang kilay niyang sabi. Dahan-dahan pa. Nakangiti pa siya, yung nakakaloko.

Napalunok tuloy ako. Kinakabahan ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit pagdating sa kanya, ang hina hina ko? Kung alam niya lang...

"O-oo.. H-hindi t-talaga p-pwe..d-de." Ano ba yan! Bakit ba ko nauutal? Nakakatakot naman kasi yung titig niya sakin eh. Nakaka-intimidate. Nakayuko lang tuloy ako. Ayokong tumingin sa kanya ng diretso.

"Aish. Bakit kasi hindi pwede?" naiirita na niyang tanong. Nakakunot-noo na siya e.

"A-Ah... E-Eh..." Bakit nga ba? Hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoong rason.

 "B-Baka kasi hindi ako payagan," sabi ko na lang.

"Yun lang? Yun lang? Edi akong bahala. Pupunta ako sa inyo at magpapaalam ako sa magulang mo."

"Ano? Hindi pwede." Mas lalo akong patay pagpumunta siya sa bahay namin.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now