Chapter 12: Z, That Bitchy Girl

103K 1.2K 356
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 12 – Z. That Bitchy Girl.

DANIEL'S POV

2 weeks. 2 weeks na ang nakakalipas. 2 weeks na wala pa ring nakakaalam na magkasama kami sa iisang bahay ni Miss Weirdo. Hindi kasi kami nag-uusap sa loob ng academy. Sinabihan na rin namin si DJ liit. Naintindihan naman niya dahil ayaw na niyang may umaway pa sa mommy niya kuno.

Si Zharm? Ewan ko. Hindi na naman niya ako kinukulit. Hindi ko nga siya nakikita e. Anong nangyari kaya dun? Oh well, wala na akong pakialam. Bahala siya.

Nagtataka lang ako at laging nawawala na lang bigla si Miss Weirdo tapos magtetext na lang at may pupuntahan daw na importante. Hindi ko naman kasi siya nahuhuli, lagi akong tinatakasan. Ninja ata yun e. Saan kaya yun pumupunta?

Parang ngayon. Sabado. Wala nanaman siya at...

"Daaaaddyyyy!" Ayan na nga. Sa akin nanaman naiwan si DJ liit na sobrang kulit. 

Katatapos niyang magbihis, aalis kasi kami. May photoshoot ako kaya kailangan ko siyang isama dahil wala siyang kasama. Yung mommy kasi niyang weird nawala nanaman, may pupuntahan daw ulit. Parang multo, bigla na lang naglalaho. Ang galing tumakas. Tsk.

 "Daddy, let's go na po," sabi niya. Kaya yun sinakay ko na siya ng kotse at nagdrive na paalis ng bahay.

                                                                                          

Nandito na kami sa may studio, endorser kasi ako ng isang clothing brand eh. Yung BUM, napilitan nga lang ako kasi pinilit ako ng parents ko noon. Kaibigan kasi nila yung manager, kainis. Buti na lang gwapo ako. Anong connect? Basta, magpapapicture lang naman, posing dito, posing doon. Sisiw na sisiw!

"O Daniel, buti naman nakarating ka. Ano, let's start?" sabi ni Tito Al, yung manager. Buti na lang 'di niya tinanong kung bakit may kasama akong bata.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now