Chapter 18: Her

97.3K 1.2K 104
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 18 - Her

DANIEL'S POV

Chandria.

Chandria?

Chandria?

Chandria?

Huh?

 Lintek! Bakit puro mukha ni Miss Weirdo nakikita ko? Lumingon ako sa kanan. Mukha niya pa rin yung nakikita ko sa mga babaeng dumadaan. Lumingon ako sa kaliwa. Ganoon pa din. Para akong napapalibutan ng mga clones niya. Ano bang nangyayari? Aaaargh! Nababaliw na yata ako!

Napapasabunot tuloy ako sa buhok ko habang patuloy na lumalakad. Alam kong pinagtitinginan na ako. Para kasi akong baliw na hindi tumitingin sa daanan. Bahala silang umiwas sakin. Paki ko kung mabunggo ko sila.

Eh ayaw ko nga kasing tumingin sa mga pagmumukha nung mga babaeng dumadaan. Mukha lang ni Miss Weirdo makikita ko. Aish. Kainis ka Chandria! Bakit ako nagkakaganito? Hindi kaya...

Alangan namang ma--Aish! Hindi pwede! Hindi! Hindi! Hindi! Sa nerd na yun? No way! Asa! Mandiri ka nga Daniel! Napapasampal tuloy ako sa sarili ko. Para rin akong tanga dahil kausap ko sarili ko.

Hay nako.

Tumingin ulit ako sa mga taong nasa paligid ko.

Ano ba yan! Mukha niya pa rin nakikita ko. Nanggagago lang? Aish. Kainis na matang 'to. Kung pwede lang dukutin e! Pero hindi pwede syempre. E ‘di bulag na ako? ‘Wag naman. Bawas pogi points yun.

Kinusot-kusot ko yung mata ko. Take note. Paulit-ulit. Tapos unti-unti kong dinilat at tumingin ulit sa mga tao.

Ashfhdkfdsksdksdhxkjxj! Hay salamat! Back to normal!

Yung mga mukha na nilang talaga yung nakikita ko! Akala ko nababaliw na talaga ako e. Hooo! Buti na lang. Buti na lang talaga.

Nako! Makaalis na nga muna dito sa campus. Sa lugar na walang koneksiyon kay Miss Weirdo. Labas muna ako saglit ng academy. Mahaba pa naman break namin e. 

Kaya nga wala si Miss Weirdo e, kasama niya si Julia. May pupuntahan daw sila, maglalakwatsa, sa mall yata. Hay, mga babae talaga.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Där berättelser lever. Upptäck nu