FINALE

62.4K 832 148
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

----------------------

FINALE

"Iho! Iho..."

DANIEL’S POV

“Ughh... Hmm... Uhhhh...”

 Sobrang sakit ng ulo ko. Ramdam ko eh. Unti-unti akong nagkamalay, nahimatay nanaman pala ako? Parang napapadalas na yun ah. I slowly opened my eyes. Malabo hanggang sa palinaw ng palinaw.

L-Lola? N-Nay?”

Yung nag-aalalang mukha ni lola—este nanay yung nakita kong una. Umiwas ako bigla ng tingin at hindi naman siya umimik. Bigla akong bumangon paupo. Sinapo ko yung ulo ko, medyo masakit pa rin kasi. I was in an unfamiliar room but it looks kinda familiar to me. Ang gulo ko no?

“Ayos ka lang nak?” sabi ni nanay.

Hindi ko siya sinagot. Yumuko lang ako at tumayo. Lumapit ako sa kanya, nakatayo kasi siya eh. Magkaharap na kami pero nakayuko pa rin ako.

 “N-Nay, okay na ho ako. Salamat po sa lahat. Kailangan ko na pong u-umalis. Kayo na po muna ang bahala kay liit—este kay James. A-Alam ko naman pong namiss niyo siya. Wag ho kayong mag-alala. D-Dadalaw ho ako. Maraming salamat po sa lahat.”

Napailing na lang ako at dali-daling lumabas ng kwarto. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni lola. Bumaba ako agad ng hagdan, nakita kong natutulog si liit sa may sofa. Lumapit ako saglit sa kanya. Ang kyut kyut niya, naghihilik pa. Hayy...

Mamimiss ko siya...

Lumuhod ako sa may tapat niya. “Hi liit! Alam ko namang hindi mo ako naririnig kasi natutulog ka. Pero sorry ha? Aalis muna si Daddy laki mo. ‘Wag kang mag-alala, hindi naman kita iiwan eh. Dadalaw pa rin ako. Peksman. Mahal kitang bubwit ka eh,” mahina kong sabi. Tumulo pa yung luha ko sa pisngi niya. Tss. Sorry liit.

Sinuklay ko yung buhok niya at hinalikan yung cheeks niyang chubby. Naalala ko tuloy si Chands. Psh. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na. Naglakad na ako at lumabas ng pinto.

Palabas na ako ng gate nang biglang...

“Iho! Iho!” sigaw sa’kin ni lola. Humahangos siyang patakbo papunta sakin. Syempre tumigil ako sa paglakad at hinintay siya, hinabol pala niya ako.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now