Chapter 35: You Make Me Happy

72.9K 931 136
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 35 – You Make Me Happy

DANIEL'S POV

 

 

"Daddy! Wake up po!"

 

 

"Hmm... Five more minutes... Hmm... Five moree-ugh," ungol ko. Inaantok pa ako. May narinig lang akong boses, hindi ko minulat yung mga mata ko. Si liit ba yung nagsalita o nananaginip lang ako? ‘Di ba may sakit yun? Huh? Anyway, wala akong pakialam! Good night world!

 Naalimpungatan nanaman ako nang biglang...

Boing! Boing! Boing!

 

 

Bakit umuuga yung kama? Lumilindol ba? Eh basta! Wala pa rin akong pakialam. Antok na antok pa ako! Good night! Lindol all you want!

Huh? Parang sinabi ko na yun dati?  Parang nangyari na 'to ah? Deja vu? O nag-iimagine lang ako? Ah ewan.. tulog na uli--

"Daddy! Daddy! Daddy! Daddeh! Wake up!"

 

 

"Hmm... Five more minutes sabi... Hmm... Five mo--"

 

 

Slap!

 

 

"Aray!" gulat kong sigaw. Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Sinampal kasi ako ni liit. Lokong yun. Hayun narinig kong tumatawa.

Kinusot-kusot ko yung mata ko. Pagdilat ko...

Nganga!

Nananaginip ba ako? Nakita ko kasi si Miss Weirdo--este si Chandria my loves na nakatayo malapit sa dulo ng kama ko. Ang ganda niya talaga lalo na 'pag walang suot na salamin. Yung bangs nga lang kasi niya ang haba, halos hindi mo na makita yung mata niya, weirdo talaga. Pinilit ko na siya dati na mag-ayos eh kaso ayaw niya talaga, ewan ko dun. Anyway, I don't mind, I love her just the way she is. Kahit laitin pa siya ng buong mundo! Mahal ko pa rin siya! Poreber and eber!

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Där berättelser lever. Upptäck nu