Chapter 32: Mga banat ni Jimenez

76.8K 987 176
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 32 – Mga Banat ni Jimenez

 

Day 6 of MissionChandria (Saturday) Part 1.. 

CHANDRIA'S POV

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Natotorete ang utak ko. Hindi mawala sa isip ko yung mga pinaggagagawa ni D-Da-Dan-iel sa mga nakalipas na araw. See, ultimo pangalan niya hindi ko pa masabi ng maayos. Yung totoo? Akala ko ginagawa niya lang lahat ng 'to para mapasaya ako kasi aalis na ako. Tapos na eh. Last day na bukas. Saktong 3 months. 2 months nga lang dapat diba? Kaso nag-extend kasi ng stay yung parents niya sa ibang bansa. Yung mga magulang ko naman 3 months pa ata bago bumalik dito sa Pilipinas. Sa Pasko na siguro sila babalik, nasa business trip pa sila eh. Lagi naman silang ganyan, pero mahal ko sila syempre, naiintindihan ko.

At yun nga. Yung kahapon.. yung nangyari kahapon ang pinakanakakagulat. Sa sobrang pagkagulat ko hindi ko na masyadong naalala yung mga nangyari pagkatapos. Ang alam ko lang lumabas kami at kumain kasama nung mga teammates niya, treat niya kasi. Nagpakilala pa nga sila kaso hindi ko na matandaan mga pangalan nila kasi tulala pa rin ako nun. Natauhan na lang ata ako nung nakauwi na kami. Nung kinakausap nila ako, tango lang ata ako ng tango. AIsh. Nakakahiya. Nakakahiya talaga! Anobeyen.

Kaya yun nga, parang ngayo--"Hoy!"

"Ay mahal ko!"  napatakip tuloy ako ng bibig.

Si Unggs kasi, bigla-bigla na lang sumisigaw. Nagulat tuloy ako.

"Ayieeee. Huwag mo kasi akong masyadong isipin. Natutulala ka tuloy sa kagwapuhan ko," sabi niya. Enebeyeeen. Nakakahiya. Aish.

"Heh! In your dreams! Yabang! Bleh!" sabi ko na lang sabay belat kahit totoo naman yung sinasabi niya. Kasi naman, para hindi mahalata na siya nga yung iniisip ko. Siya! Siya lang wala ng iba! Litong-lito na ako. Nakatulala nanaman pala ako.

Kasalukuyan kasi kaming naglalakad, hila-hila nanaman niya ako. Si liit naman, nakapiggyback sa likod niya, tulog. Kanina pa ata ako kinakausap kaso hindi ako sumasagot. Tulala nga kasi ‘di ba? Ang dami ko kasing iniisip. Magulo! Sobrang gulo!

Oo, mahal ko din siya. Mahal ko na siya. Manhid na lang siguro yung hindi maiinlove sa lahat ng effort na ginawa niya diba? Hindi naman ako tanga. Hindi rin naman ako manhid. Hindi ko lang masabi na mahal ko din siya... kasi... kasi natatakot ako.

Masaya ako kapag lagi ko siyang kasama. Masaya ako kahit inaasar niya ako. Masaya ako kahit weirdo endearment niya sakin, compliment yun actually, weirdo naman talaga kasi ako. Masaya ako dahil tanggap niya ako kung sino at ano ako. Konting banat niya lang kahit korni, kinikilig na ako. Ayokong nagagalit siya sakin. Ayoko na hindi niya ako pinapansin. Lagi ko siyang iniisip; bawat araw, oras, minuto, at segundo. Ngayon sabihin niyo sakin, 'diba inlove na yun?

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt