Chapter 40: Huling Sayaw

63.9K 951 256
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 40 – Huling Sayaw

DANIEL'S POV

Habang tumatakbo ako, bigla akong napangiti. Hayun siya. Kitang-kita kong nakaupo sa isang waiting shed. Madilim na, pero alam kong siya yun. Malapit na ako. Malapit na Chandria. Konting push na lang--este konting takbo na lang. Andiyan na ako.

Umuulan pa din. Wala ng katao-tao dito sa labas, pati sasakyan wala. Ewan ko ba. Ang weird. Siguro dahil malakas pa din yung ulan.

Napansin siguro niyang parating na ako. Kasi naman, tumatalsik yung tubig sa tinatakbuhan ko. Bigla siyang napaangat ng ulo at napatayo. And then...

She stared at my direction and I swear at that moment, my heart stopped. Oh God! Thank God she's alright! Sana hindi na maulit 'to. Sana...

Malapit na malapit na ako pero bigla na lang siyang tumakbo at yumakap sakin. Mahigpit na mahigpit. Natulala ako at hindi agad alam ang gagawin.

Napangiti ako nung matauhan na sa pagkatulala, and then I hugged her back. I hugged her back really tight na parang hindi kami nagkita ng ilang years. Wala na, basang sisiw na kaming dalawa. I chuckled a bit though. But, it was the best feeling in the world. Ngayon ko lang naramdaman 'to. Tagos na tagos mga dre.

Pero...

"Daniel... Sorry..." nanginginig ang boses na sabi niya. Naramdaman kong humihikbi-hikbi na siya habang nakasandal sa dibdib ko.

Bakit siya nagsosorry? Kasalanan ko naman eh. Kung hindi ko siya dinala dun sa mall na yun, hindi naman mangyayari 'to. Ang tanga tanga ko. Bumalik nanaman tuloy yung sakit na naramdaman ko kanina. Masakit eh, sapul ako. Ako dapat yung magsorry.

"Sorry? Hindi mo naman... kasalanan eh. Ako ang dapat humingi ng  sorry," sagot ko sa kanya habang tuloy-tuloy nang dumaloy yung luha sa mga mata ko. Napaiyak na din ako, I was patting her back though. Sinandal ko yung ulo ko sa may balikat niya.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now