Chapter 8: MissionChandria starts now.

114K 1.5K 122
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 8 – MissionChandria Starts Now

Sa may campus grounds...

Tatlong babae ang pinagtutulungan ang isang kawawang babae. And yes, that girl is Chandria. Nakayuko lang ito at hindi pumapatol sa mga umaaway sa kanya. Dire-diretso lang itong naglalakad para lumayo sa kanila pero sinusundan pa rin siya ng mga bruhang babae.

 

"Ang landi landi mo! Bwiset ka!" sigaw ng isang babae at sinampal si Chandria. Hindi naman ito umimik at parang manhid na walang naramdaman.

"Ang panget mo! Nerd! Ilusyonada!"

Tinapunan siya ng isang can ng soda ng isa pang babae. Wala ring reaksyon si Chandria at nanatiling nakayuko at nakatayo lamang sa iisang lugar. Basang-sisiw na.

"Layuan mo si Daniel Babes namin! Kapal ng mukha mong babae ka!"

Tinapunan naman siya nung panghuling babae ng ice cream na hawak-hawak nito kung saan niya man nakuha yun. Samantala, wala pa ring imik si Chandria. Ngunit mapapansing humihikbi-hikbi na siya.

"Etong bagay sa’yo!" sabay sabay na sigaw ng tatlong hinayupak na babae at pinagtulungan siyang sabunutan.

Iniinda naman ni Chandria ang sakit at patuloy pa ring humihikbi...

DANIEL'S POV

"Etong bagay sa’yo!" rinig kong sigaw ng mga babae pagbaba na pagbaba ko pa lang sa kotse ko. Syempre kasama ko nanaman si DJ liit. Nakatakip sa tenga niya, makasigaw naman kasi yung mga babae wagas.

Kagabi pa ako kinukulit. Nasaan daw mommy niya? Bakit daw hindi namin kasama mommy niya? Hindi ko ba daw love mommy niya? Puro siya mommy, mommy, mommy! E anong gagawin ko? Nganga! Hindi naman kami close ni Miss Weirdo na kinikilala niyang mommy.

Bwisit! Sino  ba kasi talaga magulang ng batang 'to? Bakit hindi man lang siya hinahanap? Sakit sa ulo. Hay...  oh well. Medyo napamahal naman na sa akin, ang kulit kasi niya e at gwapo tulad ko.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Место, где живут истории. Откройте их для себя