Chapter 34: DJ liit Story [Special Chapter]

71.4K 952 206
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 34 – DJ Liit Story (Special Chapter)

 

 

SCREEEECH!

 

BOOM!

Loud screams were heard then a loud banging sound, isang napakalakas na pagsabog.  

A car just fell off a cliff, ni hindi mo nga maaninag kung gaano kalalim ang pinaghulugan nito. Napuno ng usok ang paligid. Tumatalsik-talsik pa ang ibang parte ng kotse nang dahil sa pagsabog na iyon. Ano kayang nangyari sa mga taong nakasakay dito?

Isang himala na lang siguro kung may nakaligtas pa sa aksidenteng yun.

Pero...

Makalipas ang ilang sandali, isang iyak ng bata ang narinig. He was lying down near the edge of a cliff, madungis ito at marumi ang damit.

"M-Mommy... D-Daddy?" tawag niya sa kawalan habang pahikbi-hikbing umiiyak, unti-unti niyang dinilat ang kanyang mga mata. He saw the sky, dark clouds were scattered, makulimlim ang panahon. Dapit-hapon na, malapit nang sumapit ang gabi. Nasa lilim siya ng isang puno. Dahan-dahang may nahulog na isang piraso ng dahon mula sa puno, tila sumasayaw ito sa hangin hangang mahulog sa noo niya. It was an unknown place, hindi niya alam kung nasaan siya. 

Dahan-dahan siyang tumayo habang umiiyak pa rin dahilan upang mahulog ang dahon na nasa kanyang noo. Hindi na niya pinansin iyon. Lumingon-lingon siya sa paligid. Napaatras siya ng makita ang bangin na napakalapit sa kinatatayuan niya. Lalo siyang napahagulgol sa iyak nang dahil sa takot, gulat at pagkalito. Kung makikita mo siguro ang bata ay maaawa ka sa itsura niya.

He was still calling for her mom and dad but they were nowhere to be found. Huli niyang naalala ay nasa backseat siyang naglalarong mag-isa, nagdadrive naman ang kanyang daddy at nasa tabi naman nito ang kanyang mommy.

Hindi niya alam kung anong nangyari, hindi niya matandaan. Hindi niya rin maalala ang napakalakas na pagsabog na iyon. Everything happened so fast. What would you expect? He's just a mere three year old kid, napakabata pa niya. It must have been a traumatizing sight to the point that he couldn't remember anything.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon