Chapter 41: Baby Unggs

64.4K 899 331
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 41 – Baby Unggs

DANIEL'S POV

BEEEP!

"Ay hutaena!" sigaw ko matapos na magpagulong-gulong papuntang gilid ng kalsada. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para ngang tumigil sa pagtibok kanina eh. Aish.

"GAGO!" rinig ko namang sigaw nung driver sakin habang palayo yung sasakyan niya. Yun lang yung naintindihan ko, may iba pa siyang sinabi eh. Tss. Bwiset.

Tumayo na lang ako habang pailing-iling at nagsimulang maglakad. Muntik na ko dun ah. Leche. Ayoko pang mamatay! Masamang damo kaya ako. At basang-sisiw pa ako. Tch. Kainis.

Napatingin ako sa langit.

"Kailan ba ko sasaya tadhana? Hayy..." napailing-iling na lang ulit ako at napayuko. Nababaliw na ata ako at kinakausap ko yung langit. Tsk.

Medyo tumitila na yung ulan, umaambon na lang.

Inaamin ko, medyo natauhan ako nung muntik na kong masagasaan. Wala namang saysay na magmukmok ako. Hindi naman ako tanga. May nangyaring hindi maganda kay Chandria at ayaw niyang sabihin sakin. Leche lang. 

At kutob ko, may masama siyang binabalak base sa mga sinabi niya sakin. Sht. Kailangan kong makauwi sa bahay sa lalong madaling panahon... at... at... at kung minamalas ka nga naman, wala pa yung kotse ko. Putek! Tanga ko kasi eh. Hay.

Napabuntong hininga na lang ako at tumakbo sa abot ng makakaya ko...

                                                                                    ***

Hingal na hingal akong nakarating sa bahay namin, dire-diretso ako papuntang kwarto ni Miss Weirdo. Wala akong pake kahit basang-basa ako, may mga naiwang bakas pa nga sa dinaanan ko eh. Psh. Mamaya ko na linisin, wala namang tao.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now