Chapter 28: Carriage?

91.5K 1K 119
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 28 - Carriage

Day 3 of MissionChandria Part 1 (Wednesday)...

 CHANDRIA'S POV

Sumasakit yung ulo ko. Napuyat kasi ako kagabi, I mean kami pala. Hindi na kasi ako masyadong sanay magpuyat, kaya ayan tuloy, headache ang inabot. Kagigising ko lang pero nanatili pa rin akong nakapikit, tinatamad pa akong bumangon e.

P-Pero t-teka. Bakit parang ang lambot nung hinihigaan ko? Ang alam ko nakatulog kami dun sa may buhanginan kagabi ah. At saka wala na akong naririnig na hampas ng alon, wala na yung tunog ng dagat. Ang tahimik. Anong nangyare? Nasaan ako?

Gumalaw-galaw ako. Malambot talaga e. Kama? Nasa bahay na ba ako? Weird. Ano yung nangyari kagabi? D-Don't tell me... panaginip lang?! Kinapa-kapa ko yung bedside table habang nakapikit pa, hinahanap ko yung salamin ko...

A-ah! Aish! Ano ba yan! Hindi pala binalik ni Juls kahapon! Kainis! Buti na lang hindi masyadong pinansin ni Daniel yung mukha ko. Hooo! Inhale! Exhale! A-Ay teka! Panaginip nga ba yun? Hindi ko na kasi alam kung nananaginip ba ako nitong mga nakaraang araw o totoong nangyayari eh. Hindi kasi masyadong kapani-paniwala eh. Totoo ba lahat ng yun?? Paki-sampal ako please!

Napadilat ako ng mata. Na-imagine ko kasing may sumampal sakin eh. Walang basagan ng trip! Nasan ba ako??

Puti?

Puro puti yung nakikita ko?

Ay! Kisame lang pala. Sorry, sorry, wala pa ako sa sarili, kagigising eh. Well, lagi naman akong wala sa sarili kahit hindi kagigising. Weirdo nga ‘di ba?

Inalis ko yung kumot ko. Nagulat ako, nanlaki yung mata ko at napatakip ng katawan.

B-Bakit iba na y-yung... y-yung... yung suot kong d-damit??? Huhuhuhu. Naman eh! Ano bang nangyari? Wala akong matandaan! Hindi ko naman naalalang nagpalit ako ng damit. Nakarobe lang ako oh. Hindi naman ako nagsusuot ng ganito pagnatutulog e.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant