Chapter 19: Those unexplained feelings.

91.2K 1.1K 128
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 19 – Those Unexplained Feelings

 

DANIEL'S POV

 

 
Pagkarinig na pagkarinig ko nu’n. Kusang tumakbo yung paa ko papunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Hindi ko alam pero, ang sakit ng dibdib ko. Parang tinusok ng milyon-milyong karayom. 'Wag naman sanang si Miss Weirdo yun.

Hindi ko yata kaya...

  

Naramdaman ko na lang na basa na yung pisngi ko. Umiiyak na pala ako.

Nakita kong nakahandusay siya patalikod sa gitna ng daan. Tinititigan lang ng mga tao. May pulis na kaso wala pang ambulansya. Hindi ako makalapit. Pero siya yun e. Siya yung sinusundan ko kanina. Ganun na ganun yung suot na damit. Kailangan ko siyang lapitan!

Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi pwede! H-hindi pwede...

"T-Tabi! Paraanin niyo ko! Tumaaabi kaayooo! Leche! Ano ba!" umiiyak na sigaw ko habang pilit na sumisiksik sa mga nakikiusyosong mga tao. Binibigyan naman nila ako ng daan. 

Bago pa man ako makalapit...

 "Sir! Hindi po kayo pwedeng lumapit. Hanggang diyan na lang kayo!" sita ng isang pulis at pinigilan ako. 

"B-Bitawan mo ko! Ano ba! Lintek! C-Chandria!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa lecheng pulis na hawak hawak ako ng mahigpit, nakayakap nga e. 

"Uhm!"

 

"Aray!" sigaw nung pulis.

Inapakan ko kasi ng malakas  tapos tinulak ko siya at tumakbo ako para makalapit doon kaso may humawak nanaman sakin at linayo ako. Tatlong pulis na ang humahawak sakin. Mge leche sila! 

Pero tamang-tama, may dumating ng ambulansya. Lumabas yung mga medic dala-dala ang isang stretcher. Dahan-dahan nilang binuhat yung babae. Hindi ko pa rin mamukhaan kung si Miss Weirdo nga ba yun. Natatakpan kasi ng buhok niya yung mukha niya, para ngang siya talaga yun e. Pinasok na siya sa loob ng ambulansya.

"T-Teka lang! H-Hintayin niyo ako! Sasama ako!" sigaw ko dun sa mga medic kaso hindi nila ako pinansin at sumakay na sa loob. 

  

"B-Bitawan niyo ako! Mga gago kayo! Sasama ako! B-Bitaw sabi e!" umiiyak kong sigaw pero ayaw talaga nila. Para na akong bakla dito sa kakaiyak pero wala akong pake! Wala silang awa. Ngayon lang ako umiyak ng ganito a.

"A-Ano ba?? Bitaw sabi! Wala ba kayong puso? G-Girlfriend ko yun! G-Girlfriend ko yun e!" wala sa sarili kong sigaw, kasabay nu’n ay ang pagbuhos bigla ng ulan. Nananadya lang?

Naawa naman yata yung mga pulis sakin at binitiwan ako. Kaso nga lang umandar na yung ambulansya. Unti-unting nagsialisan yung mga tao upang sumilong.

Naiwan naman akong nakatayo doon at unti-unting napapaluhod habang tanaw-tanaw yung papalayong ambulansya. Napapasabunot ako sa buhok ko habang paulit-ulit na sinusuntok yung semento. Tuloy pa rin sa pag-agos yung luha ko kasabay nang pagbuhos ng rumaragasang ulan. 

Kasalanan ko 'to e! Kung sana nahabol ko siya agad. E ‘di hindi sana mangyayari 'to...

Wala akong kwentang tao! Wala!

 

Pero sana ligtas siya. S-sana..


'Get a hold of yourself Daniel,' rinig kong sabi ng isipan ko.

Tama... Tama... What the hell is happening with me? Pwede ko naman siyang sundan sa ospital diba? I smiled while still crying. Wala akong pake kung pagkamalan nila akong baliw.

I suddenly stood up. Looked straight at the road ahead.

And started to run as fast as I can...

Please support the book version.

Thank you very much! <3

God Bless you all.

-stuckindreamworld

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora