Chapter 23: You're my cuppycake

105K 1.4K 291
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 23 – You’re My Cuppycake

Day 1 of MissionChandria Part 1 (Monday)...

 

CHANDRIA'S POV

Papunta na ako ngayon sa school. Mag-isa! Take note. MAG-ISA!

Paggising ko kasi kanina, wala na si DJ liit at DJ laki. E 6 am palang nu’n, saan naman sila pupunta ‘di ba? Kararating ko lang kasi kahapon dahil may appointment ako nung Sabado, nung bigla akong tumakbo at umalis pagkagising ko.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Daniel kasi nagmamadali ako nun dahil maaga nga magsisimula at male-late na ako. Pagkadilat ko kasi, hindi ako nagulat sa pagmumukha ni Daniel, kundi napatingin ako sa may wall clock at nakita ko nga yung oras kaya bigla akong namula. Anong akala niyo? Nastarstruck ako sa kagwapuhan ni Daniel dahil sobrang lapit ng mukha niya pagkadilat ko? Hindi ‘no. Asus. Asa pa ako. Imposible namang ma-inlababo yun sa’kin. Dyusko.

Nakakainis nga e, ayaw ko pa namang maglakad ngayon, nakakatamad. At saka buti na lang at may breakfast nang nakahanda kanina dahil hindi ko talaga alam magluto! Mas okay pang magutom na lang ako dahil kung magluto ako, baka  masunog pa yung bahay! O ‘di ba? Ganyan ako kagaling magluto dahil nangyari na yun dati!

Kainis! Saan kasi nagpunta yung mag-amang yun. Wala yung kotse e. Ang aga nilang umalis. Hindi kasi kami nagpapansinan, hindi nila ako kinakausap nung dumating ako, nagtatampo yata dahil hindi ko man lang sila sinabihan.

Paano ba naman kasi? Hindi ko kaya alam cellphone number ni Daniel! HELLOOO? Ang galing ‘no? Magtatatlong buwan na kaming magkasama pero hindi man lang namin naisipang magbigayan ng number? Kasi naman, lagi naman kasi kaming magkasama kaya 'di na namin naisipan yun.

Hayy nako... 1 week na lang pala akong titira sa kanila. Dadating na rin kasi yung parents ko yata, magtataka yun kapag hindi pa ako umuwi no. Pero hindi ako sigurado, baka mag-extend nanaman sila, lagi namang ganun eh, lagi silang wala. At saka halerrrr? Wala namang project 'kuno' na umaabot ng ganun katagal diba?

Hayy... mamimiss ko si DJ liit na makulit at gwapo. Hangkyut pa niya...

Hayy...

Hayy buhay...

Beep! Beep!

 

--"Ay gwapong DJ ko!" bigla kong nasigaw. Bigla kasing may bumusina e, nagulat tuloy ako.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora