Chapter 7: The Girl with the Scarlet Eyes

111K 1.3K 85
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 7 – The Girl with the Scarlet Eyes

Eh, Sexy laaady!

Op, Op, Op, Op

Oppa Gangnam Style!

Eh, Sexy laaady!

Op, Op, Op, Op

Eh-eh-eh, eh-eh-eh!

DANIEL'S POV


Nakakabingi. Ang lakas ng tugtog. Yan ang una kong narinig pagpasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng cafeteria. Nakapalibot yung maraming estudyante sa iisang lugar.

"E-Ehem!" sabi ko. Napatingin sa’kin yung mga tao tapos nagulat yata or should I say natakot. Tumabi sila at binigyan ako ng daan.

Guess what?

Nagsasayaw si DJ liit. Nakapatong sa lamesa. Nag-ooppa gangnam style yung loko. Tawa pa ng tawa. Naaaliw sa kanya yung mga nanunuod na fans niya. Oo FANS, mana siya sakin e, sikat! Picture dito, picture doon. Video dito, video doon. Napatingin siya sa direksyon na kinatatayuan ko. Lumaki yung mata niya at ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Daddy! Heehee! Look oh! Wop, Wop, Wop! Oppa Gangnam Stayl! Galing ko po sayaw ‘di ba?"

"Ha? O-Oo!" sabi ko. Tumango na lang ako at ngumiti.

Nakatingin pa rin siya sakin habang sumasayaw. Palinga-linga, parang may hinahanap.

"Daddy? Saan po chi mommy?" tanong niya.

Ay oo nga pala. Bakit ko ba kasi pinaalis yung babaeng yun? Ang tanga ko talaga. Gwapo naman. Walang kokontra. Saan kaya nagpunta yun?

"Ha? A-ah.. E-eh.. M-may pupuntahan pa daw siya," palusot ko na lang.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now