Chapter 45: Daddy?

62.5K 1.1K 211
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 45 – Daddy?

DANIEL'S POV

"Uhmm... Hmm..."

Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko. Malabo pa nung una tapos palinaw ng palinaw. Nasilaw ako sa chandelier na una kong nakita kaya't napatakip ako sa mata ko gamit ng kamay ko. Tch.

"Ughh.."

 .

Nasan ba ko? 

Ahh...

Nasa sofa pala. Aish! Sakit ng ulo ko. Takte. Luminga-linga ako sa paligid...

Napatigil ako. Napakunot yung noo ko. Nanaginip ba ako? Kasi isang bangungot ang nakikita ngayon ng dalawang mga mata ko. Totoo ba yun? Totoo ba siya? Totoo ba yung nakaupong yun? Nanlaki yung mata ko. Ay shet! Tumingin sa’kin yung bangungot. Wala siyang kaemo-emosyon. Nakakaiyak na nakakairita.

"Jon."

Ay shet! Nagsalita pa yung bangungot. Wala pa ring emosyon yung mukha. 

Siya lang ang tanging taong tumatawag sa’kin ng Jon at ayaw na ayaw ko yun. Nakakabanas. Ang sama tuloy ng tingin ko sa kanya.

"Why are you looking at me like that? Get up! Go to your room. Sleep! We have a meeting with the Dela Fuente's tomorrow. We'll talk about your engagement with their daughter."

Dela Fuente?! Engagement?! Daughter?!

"What? No!" sigaw ko at napabangon sa sofa.

Hindi 'to totoo! Panaginip 'to! Panaginip! Bangungot! Oo tama! Tama! Isa 'tong bangungot! Isang nakakapanlokong bangungot!

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon