Chapter 33: Butterfly Garden

73.6K 951 186
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 33 – Butterfly Garden

Day 6 of MissionChandria (Saturday) Part 2..

CHANDRIA'S POV 

 

"Hala! Okay ka lang?" rinig kong sabi ng isang babae. Napatingin ako sa kanya. Si Mary Roselle pala,  kasama niya si Regina. Magbestfriends silang dalawa at malamang-lamang kaklase ko rin sila. Si Roselle, music lover. Si Regina naman, mahilig sa mga libro, nerd siya pero hindi mukhang nerd.

Inalalayan nila akong tumayo. Pinulot nila yung mga rosas na nahulog ko. Ako naman, pinagpag ko yung sarili ko at inayos yung nagulo kong buhok. Buti na lang hindi masyadong masakit yung pagkakabagsak ko sa lupa. Pero langya, ang sakit nung sampal at sabunot na ginawa sakin nung babaeng witch na yun. Nakakastress siya! Ang ganda ganda ng mood ko eh. Panira! Napaka-wrong timing!

Inabot na sakin ni Roselle yung mga rosas na nahulog ko. "Salamat!" sabi kong nakangiti.

"You're welcome!" sabi niya. "Ayos ka lang talaga? Ano bang nangyari Chandria?" sabi naman ni Regina.

"H-Ha? Ah... eh. N-Nadapa lang naman ako. Okay lang talaga ako," sabi ko na lang. Ayokong magworry pa sila. Baka isumbong pa nila kay Daniel kaya nevermind.

"Ah ganun ba? Sabi mo yan ah. Eto nga pala oh!" abot sakin ni Regina ng isang yellow tulip. Sabay naman silang nag-abot ng note. Tig-isa sila pero iisa lang yung tulip. So bale, isang tulip at dalawang note.

"Kung ang langit kumukulog-kulog sa tuwing umuulan... ang puso ko naman ay tumitibok-tibok sa tuwing ikaw ay aking nasisilayan!"

 

 

"Siguro may purpose rin pala ako sa mundo, at yun ay ang mahalin ka ng labis at totoo."

Yung totoo? He never fails to make me smile. Napangiti ako sa nabasa ko. Nawala tuloy yung pagka-BV ko. Salamat kay Daniel, savior talaga siya kahit na siya yung dahilan kung bakit nasampal ako at nasabunutan. Siguro isa yung babae na yun sa mga sobrang obsessed na admirers niya. Kainis! Bakit kasi ang gwapo niya diba?

Tinignan ko kung may nakasulat sa likod kaso wala. Tumingin ako kay Roselle at Regina, nakangiti lang sila.

"Go straight!" sabi ni Roselle.

"Then turn left!" sabi naman ni Regina.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon