Chapter 27: Slowly falling

95.6K 1.2K 235
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 27 – Slowly Falling

Day 2 of MissionChandria Part 2...

 

CHANDRIA'S POV

Bigla akong nagising nung maramdaman kong tumigil na sa pag-andar yung kotse, nakaidlip kasi ako saglit. Alam kong nasa tabi ko pa si Julia pero hindi siya nagsasalita. Hindi ko alam kung nasaan na kami, nakablindfold pa rin kasi ako.

"Juls?" sabi ko, pero hindi siya umiimik. 

"Huy! Juls??" sabi ko ulit pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Narinig kong bumukas yung pinto ng driver's side tapos sumara din. Lumabas si Julia? Tatanggalin ko na sana yung blindfold ko nung nagulat ako at biglang bumukas yung pinto sa gilid ko.  Biglang may humawak sa kamay ko at inalalayan ako palabas nung kotse, si Juls malamang-lamang.

"Juls nasan na tayo?" tanong ko. Hindi pa rin siya sumasagot. Problema nito?

"Juls!" sigaw ko na, pero wala pa rin.

"Hoy babae! Sagutin mo naman ako. Para akong tangang nagsasalitang mag-isa! Huuuy!" kaso no reply pa rin.

"Sige ka tatanggalin ko na 'tong blindfold! Hmpf!"

 

 

Nahawakan ko na yung tali ng blindfold. Tatanggalin ko na sana nang biglang..

"A-Ah!--Aw!--Ah!--Aray naman!" Pinigilan kasi ako ni Juls, bigla niyang hinawakan yung dalawa kong kamay at... at... at...

"Juuuls naman eh! Anong trip mo? Huuuuuy!" Kasalukuyan niya po kasing tinatali yung kamay ko. Oo, tama ang nabasa mo. Tinatali Niya Lang Naman Yung Kamay Ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Pipi lang? Pinagtitripan ata ako.

Nakahawak lang siya sa kamay ko at nagsimulang maglakad. Syempre napapasunod ako, hawak-hawak niya ako e. Saan niya kaya ako dadalhin? I trust Julia naman. Wala naman siguro siyang gagawing masama pero ewan ko, parang kinakabahan ako. Bakit kasi hindi siya nagsasalita? Nakakapraning tuloy.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon