Chapter 20: Then everything went black.

92.8K 1.1K 163
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 20 – Everything Went Black

 

DANIEL'S POV

 

"M-Miss! M-Meron bang nagngangalang Chandria sa mga pasyente dito? C-Chandria Mendoza? N-Nasaang kwarto po siya?" tanong ko kaagad sa nurse na nagbabantay sa information desk pagkapasok na pagkapasok ko sa ospital. Nagulat pa nga siya dahil basang-basa ako pero wala akong pakialam. Kailangan kong makita si Chandria. Nanginginig na nga ako sa sobrang lamig e kaya nauutal ako habang sumisigaw.

 

"S-Sir, teka lang po, check ko lang... " At yun nga hinanap niya kung may pangalan si Miss Weirdo sa listahan ng mga nakacheck-in na pasyente. Paulit-ulit niya pang binubulong na 'Chandria Mendoza', 'Chandria Mendoza' habang naghahanap. Rinecheck niya ulit tapos napapailing-iling.

  

"Sir, wala pong Chandria Mendoza na nakacheck-in. Sigurado po kayo?"

  

"H-Ho? Ah... Eh... Yung! Yung! Y-Yung nasagasaan pong babae?  Meron ho ba? Kani-kanina lang? Yung dala-dala ng ambulansya?" nagpapanic kong tanong.

 

"Ah sir, oho, meron po, dinala po siya sa ICU. Diretsuhin niyo lang po yung hallway na yan. Yung pinakadulong kwarto, doon po."

 

"Ahh. ganun ho ba? Salamat! Salamat!" At dali-daling akong tumakbo.

  

"Chandria? Chandria!" paulit-ulit na sigaw ko habang tumatakbo hanggang sa makarating ako sa pinakadulong kwarto. Sinisita naman ako nung mga dumadaan na nurse na tumahimik, nagsorry na lang ako. Anong magagawa nila? Eh sa sobrang nag-aalala ako. Psh.

Tumanaw ako sa glass window dahil alam ko namang hindi pa pwedeng pumasok. Baka paalisin lang ako dito sa ospital kung magpumilit ako. May doktor sa loob at mga nurse, andaming aparato na nakakabit sa katawan nung babae.

Hindi ko pa rin siya makita. Hindi pa rin ako sigurado kung si Chandria nga ba yun. Natatakpan siya nung mga doktor at nurse na umaasikaso sa kanya. Alam kong medyo malala yung mga natamo niyang pinsala mula sa pagkakasagasa. Ang dami kasing mga pabaya at walang kwentang driver sa mundo, lasing na nga magdadrive pa. Mga hinayupak silang lahat! Dapat silang mabulok sa kulungan! Lintek! Nakaka-ewan! Aaargh!

Pabalik-balik lang akong naglalakad sa labas ng kwarto, hinihintay na lumabas yung doktor. Wala ako sa sarili, puro si Chandria lang ang laman ng isip ko. Siguro kung may kumausap sa’kin ngayon, hindi ko mapapansin o kaya hindi ko maririnig.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora