Chapter 44: Scarlet who?

60.4K 1.1K 336
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

---------------------

CHAPTER 44 – Scarlet Who?

SCARLET/CHANDRIA'S POV

"S-Sino ka?"

Ay susme! Napa-facepalm tuloy ako. Aish. Napabuntong-hininga ako. Inhale! Exhale! Hooo! Kaya ko 'to. Last one. Last na talaga. Sorry Juls...

Slap!

"Aray naman!" sigaw ulit niya sabay biglang napatayo. Naiwan tuloy akong nakaluhod. Nakatingala ako sa kanya pero siya hindi nakatingin sakin at hawak-hawak lang yung namumula niyang pisngi.

Napalakas ko siguro. Kasi naman eh, nawawala sa huwisyo. Hay nako. Pero natauhan na yata. Unti-unti siyang tumingin pababa sa direksyon ko at...

"Ay 'nak ka ng bampira!"

BLAG!

Bigla kasi siyang napaatras nung sumigaw siya kaya hayun napalakas yung untog sa pader. Napapikit pa siya tapos napahawak sa dibdib.

Bwiset! Pfft--Hahahahaha! Laptrip po yung itsura niya! Promise! Pinipigilan ko lang tumawa. Leshe! Ano ba yan, imbes na seryoso ako eh. Hahahaha. Si Juls kasi, laptrip. Hay Dyusme. Nakakalurky. Nakaka--

"Pffft! Hahahahahaha!" wala na, hindi ko na napigilan eh. Leshe. Tawa pa rin ako nang tawa tapos hayun biglang dumilat at...

"Aaaaah! Chaaands!" sigaw niya sa’kin tapos bigla akong tinuro. Paulit-ulit niyang sinisigaw yung pangalan ko. Hahahaha. Oops. Patay.

Uh-oh.

Napatakbo tuloy ako palayo sa kanya. Bigla siyang lumapit sa kama niya at hinablot yung unan tapos bigla akong binato.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now