EPILOGUE 2.0 - Seven Days

54.8K 814 120
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

----------------------------------------------

EPILOGUE 2.0

SCARLET'S POV

Ayan ka nanaman. Nakita ulit kita. Araw-araw na lang. Hindi na nga ako pumasok sa academy ngayong linggo para hindi muna kita makita pero bakit? Bakit lagi n alang kitang nakikita?! Nananadya ka ba? O sadyang nang-iinis lang si pareng tadhana? Leshe naman oh!

                                                                                         ***

Monday, nakita kita, paalis na sana kami ni Julia nu’n. Nagmamadali kang tumakbo papasok sa loob ng building dito sa kinaroroonan ng condo unit ni Julia. Buti na lang nahila ako ni Juls at nakapagtago kami. Sa lugar na hindi mo nakikita, pero ikaw, kitang-kita namin. 

Dire-diretso ka lang naglalakad papuntang elevator pero bigla kang pinigilan nung mga guard.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!" bulyaw mo sa kanila sabay tulak. Muntik mo na nga atang suntukin kaso halata kong nagpipigil ka lang.

Bakit ba kasi ganyan suot mo? At saka andami mong pasa at sugat sa buong katawan! Natadtad ka pa ng bandage at bandaid! Mukha ka tuloy adik na hindi katiwa-tiwala. In short, para kang gagong basagulero sa kanto! Ano bang nangyari? May umaway ba sa'yo? Nakipag-away ka ba? O ano? Nakakainis ka naman eh! 

Hindi ko tuloy alam kung maaawa ba ako sa'yo o magagalit. Ewan! Ang higpit nga ng hawak sakin ni Bes eh. Buti nga yun, baka kasi bigla akong tumakbo at yumakap sa'yo. Naku po. Mahirap na.

Ayokong nasasaktan ka pero alam kong mas masakit yung ginawa ko. Ni hindi mo nga alam kung bakit ako umalis eh. Bigla na lang kitang iniwan nang hindi nagpapaalam. Sorry..

Naiiyak na nga ako dito oh. Pinagtatabuyan ka kasi na parang pulubing namamalimos. Gusto ko na ngang sigawan yung mga guard at paghahahampas-hampasin eh. Trato kasi sa'yo, parang basura. Patalsikin ko sila makita nila eh. Kaso, hindi naman nila alam. Ginagampanan lang nila yung trabaho nila.

Ikaw kasi eh...

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon