Chapter 16: Transferee (Part 2)

98.7K 1.4K 280
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

CHAPTER 16 - Transferee

CHANDRIA'S POV 

"Ay! Oo nga pala!" bigla na lang sigaw ni Julia na parang may naalala? O nakalimutan? Nakataas pa yung pointing finger niya eh, yung parang nagsasabing 'I have an idea' action, parang ganun. Yun ang unang-una niyang sinabi pagkatapos niyang kumain. Nagulat pa nga ako, bigla na lang sumigaw. Grabe lang? Kanina niya pa ko ginugulat ah.

"Ano nga palang pangalan mo? I forgot to ask a while ago. Pasensya na, gutom eh," sabay smile tapos nagpeace sign siya. Makakalimutin talaga 'tong babaeng 'to tapos matakaw pa rin kaso sobrang laki ng pinagbago niya, as in. Buti na nga lang namukhaan ko siya.

She's one of my childhood best friends actually, kaso nagkahiwa-hiwalay kasi kami noon. It has been 10 years since then, I guess. Namiss ko siya sobra.

Nasan na kaya yung isa pa naming kaibigan? Lalaki siya eh, magbestfriends kaming tatlo. Ano na nga bang pangalan nun? Y-Y-Yael? Ah! Ewan! Hindi ko na maalala eh, ang bata ko pa nun, memory gap. Hindi naman kasi yung ang tawag ko sa kanya. Ang alam ko lang, tawag sa kanya, 'Lampatpatin'. Yun. Kay Julia naman, 'Tabachiik'. At ako naman, 'Siopaosa'. Kung bakit ganun ang tawag? Edi hulaan niyo na lang. Pati kami, yun ang tawag namin sa isa't-isa. Bakit? Masaya eh. Try niyo.

Tawag nila samin dati? THREE IDIOTS! SAKLAP ‘NO?

Outcasts kami dati eh. Iniiwasan kami nung ibang mga bata. Weirdos daw kami. Lagi kaming tinutukso, kaya ayun, kaming tatlo na lang laging magkasama. Hanggang sa naghiwa-hiwalay kami. Pumunta kasi sila ng ibang bansa. Si Juls, sa States. Si Yael naman or kung ano man pangalan niya, sa France.

At--

"Hellooooo. Taooooo here. Nagsasalita po. Lutang nanaman e." 

Oops! Kausap nga pala ako ni Juls.

E? Ano ng tanong niya?

Ah!

"C-Chandria. Chandria Mendoza."

 "Ohh! Nice to meet you sis! From now on, friends na tayo! 'Wag kang mahiya sa’kin dahil walanghiya talaga ako. Haha. Transferee nga pala ako. Fashion Design Major. Ikaw?"

"Ahh. Business Management course ko Juls."

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Where stories live. Discover now