Chapter 3: Frustration

125K 1.5K 93
                                    

© COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

-----------------------

 CHAPTER 3 - Frustration

 

Nakauwi na kami ni James. Hindi ko na nahabol pa si Zharm, biglang nagdisappear sa kung saang lupalop, nawala na parang bula.

Kanina ko pa siya tinatawagan at tinetext, nakailang messages na ako sa kanya. Kapag tumatawag naman ako, ini-end call niya hanggang sa 'cannot be reached' na.

Alam niyo yung feeling?

Nakakainis. Naiirita ako. Badtrip!

Ano 'to? Gaguhan lang? Ayaw niyang magpaliwanag ako! Bwiset!

Imagine that? 2 years na kaya kami. 2 freaking years! Pero balewala lang sa kanya lahat ng yun. Siya! Siya na nag-iisang babae na sineryoso ko, na minahal ko ng totoo, at hindi kailanman linoko.

Nakakagago! Alam niyo yun?

Napasabunot na ako sa buhok ko. Nakakastress!

Too many memories. It's so frustating. Aaaaarrggh!

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, parang may masakit sa dibdib ko. Gusto kong magwala, sumigaw, umiyak, manuntok ng tao kaso hindi ko magawa.

"Daddy, what's wrong po?"

 

"You! Ikaw! Isa ka pa! Kasalanan mo ‘to e!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nasigawan ko pati si James.

Nanlaki yung mata niya at pagkatapos ay bigla nanamang umiyak.

"Uwaaah!"

 


Pero wala akong pakialam.

Bahala siya.

Kahit buong magdamag pa siyang umiyak, kahit gumulong-gulong pa siya sa sahig, kahit ngumawa siya nang ngumawa, kahit ano pang gawin niya. Wala akong pake! WALA!

"Uwaaah!" Patuloy pa rin siyang umiiyak. Humiga na siya sa sahig at gumulong-gulong, pero hindi ko siya pinapansin.

"If you're hungry, the food is on the table. I will sleep," walang emosyon kong sabi habang umiiyak pa rin siya. Pagkatapos ay dire-diretso akong naglakad papunta sa kwarto ko na hindi man lang siya linilingon.

Daddy? (PUBLISHED BOOK) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon