Chapter Fifteen

96 7 0
                                    

Leigh's POV:

Nagkagulo bigla dahil pumasok na ang mga taga white demons at mga taga black, na gangster group ko. Napatingin ako kay Elizabeth na nakangiti na ngayon na parang walang nangyari.

"May cutter ako sa bulsa. Kunin mo"

Lumapit ako kaagad sa kaniya at hinawakan ang baba niya para makita ang mukha niya kung may galos ba or sugat.

"Masakit?" nag aalalang tanong ko. Namumula kasi ang magkabilang pisngi niya.

"Mas masakit kapag hindi mo pa ako inalis dito!" malakas na sigaw niya. Napairap nalang ako at kinuha na nga ang cutter sa bulsa nito. Ako na nga ang nag aalala, siya pa yung galit. Hindi naman ganun kakapal ang lubid kaya mabilis ko lang itong natanggal.

Hinilot hilot nito ang kamay pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat habang nakangiti.

"Thank yah!" nakangiti nitong pagpapasalamat na ikinataas ng kilay ko. Galing lang siya sa delikadong sitwasyon tapos may gana pa siyang ngumiti?

"Bakit?" natatawa nitong tanong at umiling nalang ako. Hindi makapaniwala kung gaano kaweird si Elizabeth.

Nilibot niya ang paningin niya. Ganun na rin ang ginawa ko. Nagkakasakitan na ngayon sa paligid. Ang iba naman ay nakahandusay na sa sahig, wala nang buhay. Naliligo sa sariling dugo.

"Kailangan na nating hanapin si Babe, sigurado akong mas marami ang nagbabantay dun" sabi nito at nauna nang tumakbo paakyat. Sumunod naman ako kaagad sa kaniya. Hindi ko napansin na kasama na namin si Lily na tumatakbo.

"Saan kayo pupunta?" tanong nito habang tumatakbo.

"May bata at ang magulang nito ang dinukot. We're looking for them"

"Bakit sila dinukot?"

"I don't know" I shrugged. Baka mayaman si Babe for ransom? Pero bakit pati ang magulang kasama?

"Their family owns the Holland & Holland "Royal" Deluxe company which sells the most deadliest weapons and holds the most expensive gun, The Holland & Holland "Royal" Deluxe Double Rifle" sagot naman ni Elizabeth. Nagulat naman ako dahil alam nito ang bagay na iyun.

"And why are you so concern about them?"

Nagkibit balikat lang si Elizabeth. Ayaw nitong sagutin ang tanong at nahalata naman ni Lily kaya tumahimik na rin ito. Binuksan namin ang bawat pintuan sa pangalawang palapag pero mga walang laman iyun. Sunod naman ay sa pangatlo pero wala pa rin. Inikot na namin ang buong building hanggang sa makarating kami sa rooftop. Doon na namin nakita si Babe at isang babae at lalake na ngayon ay nakahiga sa sahig, nakatali.

Tatakbo na sana si Elizabeth palapit nang makarinig kami ng sunod sunod na pagkasa ng baril. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan at nilibot ang paningin. There are lots of gunned man with suit and tie surrounding us. So they're not just any ordinary criminals.

"Stop right there young lady" may naglakad na matandang lalake palapit sa pwesto namin. He only stopped few meters away from us.

"Akin na ang bata at ang magulang niya" mahinahon pero may bakas ng galit ang boses niya. Napatingin ako sa kaniya mula sa likod dahil minsan niya lang gamitin ang boses na iyan.

"Not so fast young lady" mahina nitong sabi at tinignan si Lily sa likod ko. Napangisi naman ito.

"If it isn't the right hand of the queen"

Napalingon ako kay Lily nang sabihin iyun ng matanda. She looked angry.

"Mommy!" napatingin ang lahat sa bata nang bigla itong sumigaw. He's crying while looking at Elizabeth. Tinignan ko ang reaksyon ni El at nanlambot ang mukha nito. Then suddenly, anger filled her face nang sampalin ng isa ang bibig ng bata.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now