Chapter Seven

115 9 1
                                    

Elizabeth's POV:

"Leigh"

Biglang bumukas ng napakalakas ang pintuan at iniluwa nito ang galit na mukha ni Leigh.

Mukha rin itong pagod na pagod at may bahid na dugo sa kaniyang braso.

"Tsk istorbo"

Ginalaw ko ulit ang kamay ko para makawala sa kaniya pero sobrang higpit ng pagkakatali sa akin kaya nahihirapan ako. Napansin naman ng admirer ko dw na pilit kong kumawala kaya ngumisi ito at umalis sa itaas ko.

Lumuwag naman ang pakiramdam ko sa ginawa niya.

Pero kahit ganun hindi mo maiwawala ang kaunting takot na nararamdaman ko ngayon "L-Leigh"

Hindi man lang ako tinignan ni Leigh. Nasa admirer ko ang masamang tingin nito na parang ilang segundo lang ay aatakihin niya ito at papatayin.

"L-Leigh" sa pangalawang pagkakataon ay hindi nanaman ako nito pinansin.

Biglang hinawakan ni admirer ko dw ang baywang ko at pinaupo ako nito sa tabi niya.

"Why are you fvcking interrupting us?" Inis na sambit ng admirer ko dw "We're already having fun tapos bigla bigla ka nalang papasok? Hindi ka man lang ba pinigilan ng mga nasa labas?!"

"Tsk! Yung mga lampa mong kasamahan ba ang tinutukoy mo? I took care of them" kung dati ay ngumingisi si Leigh kapag nang iinis, ngayon ay hindi niya iyun ginawa. Which makes him more scary.

Is he that mad?

"L-Leigh" argh! Ano ba Elizabeth?! Leigh ka ng Leigh dyan! Pangalan niya lang ba ang kayang sabihin ng bibig mo ngayon?

Sa pagkakataong ito ay nasa akin na ang paningin niya.

"Fvck" mahinang sambit nito pero rinig na rinig ko ito.

Bigla nanaman akong nakaramdam ng luha sa gilid ng aking mga mata dahil sa tingin niya.

"L-Leigh" naiiyak na bigkas ko sa pangalan niya.

Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang tinding pag aalala sa akin. Mga tingin na nagpapalambot sa akin at nagsasabing magiging okay din ang lahat.

Ang tingin na lagi niyang ipinapakita sa akin tuwing namomroblema ako. Lalo na sa tuwing nasasaktan ako.

Ang tingin niyang nagpapahu-- STOP!!

Humigpit ang pagkakahawak ng admirer ko dw sa baywang ko.

"Let her go, Dave" tiim bagang sabi ni Leigh.

"What if I don't want to?"

Hindi sumagot sa kaniya si Leigh, kundi sinamaan niya ito ng tingin at kumuyon ang kaniyang mga kamao.

"Stop acting like you care for her Leigh! Everyone knows na walang naging kayo, na hindi totoo ang lahat ng ginawa niyo"

My heart skipped a beat when he said those words.

Tama nga naman siya. Bakit nandito si Leigh? Bakit nag aalala ang kaniyang mga mata? Bakit nakipag laban pa siya sa labas? Bakit niya ako hinahanap? Bakit niya pa ito ginagawa kung sa una palang ay dapat hindi niya ito ginagawa dahil wala naman naging kami? Walang koneksyon ang namagitan sa amin. Tama nga naman siya na hindi totoo ang lahat ng ginawa namin.

Pero bakit ganun? Bakit nandito pa siya? Dapat hinahayaan niya na akong mamatay kung yun lang naman pala ang mangyayari sa akin sa huli, na mas mapapaaga pa ang pagsundo sa akin ni kamatayan.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Where stories live. Discover now